2 ospital sa Iloilo di muna tatanggap ng pasyente; Ilang doktor, nurse may COVID | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 ospital sa Iloilo di muna tatanggap ng pasyente; Ilang doktor, nurse may COVID

ABS-CBN News
Published Sep 14, 2021 03:54 PM PHT
|
Updated Sep 14, 2021 03:55 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Hindi muna tatanggap ng pasyente ang 2 ospital sa Iloilo matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang doktor at nurses.

Sa advisory na inilabas Lunes, pansamantalang hindi tatanggap ng pasyente ang Ramon D. Duremdes District Hospital sa bayan ng Dumangas.

Sarado rin ang outpatient department at animal bite treatment center ng ospital hanggang Setyembre 19.

Ayon sa Iloilo Provincial Government, may 3 doktor at 7 nurses ang nahawaan ng virus. Kaagad na nagsagawa ng disinfection ang mga awtoridad sa ospital.

Nagsagawa na rin ng contact tracing sa mga close contact ng mga nagpositibo sa virus.

Suspendido rin ang outpatient consultation services at emergency admissions sa Iloilo Doctors' Hospital matapos mahawaan ng COVID-19 ang ilang nurses.

Ito'y ayon sa sulat na ipinadala ng ospital sa opisina ni Iloiloi City Mayor Jerry Treñas Lunes.

Wala pang petsa kung kailan muling tatanggap ng pasyente ang Iloilo Doctors' Hospital sa Molo, Iloilo City.

"We will do our best to resume our regular operations as soon as we can complete the required number of nurses for this area," sulat ng ospital.

KAUGNAY NA ULAT
—Ulat ni Rolen Escaniel
Read More:
Tagalog news
Regional news
Regions
Iloilo
Iloilo City
Iloilo Province
COVID-19
COVID19
coronavirus
Iloilo COVID-19 update
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT