Pagputol sa 300 taong Toog tree sa Agusan del Sur sinuspinde | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagputol sa 300 taong Toog tree sa Agusan del Sur sinuspinde

Pagputol sa 300 taong Toog tree sa Agusan del Sur sinuspinde

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 14, 2020 10:56 PM PHT

Clipboard

SAN FRANCISCO, Agusan del Sur (UPDATE) — Suspendido muna ang nakatakdang pagputol sa isang tinatayang 300 taong Toog tree sa bayan na ito habang wala pang resulta ang isinagawang pag-aaral ng ilang eksperto.

Agosto 2019 nang bigyan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa rehiyon ng "clearance to cut" ang City Environment & Natural Resources Office (CENRO) sa Bunawan para putulin ang naturang puno sa Barangay Alegria.

Ito’y matapos umanong lumabas sa findings sa biomechanics at structural analysis na nasisira na ang ground cavity ng puno.

Sa ginawang hazard rating na zero to 6, 6 bilang pinakamataas, nasa 5.4 ang hazard rating sa centennial Toog tree. Ibig sabihin, mataas ang potential hazard at may posibilidad na maputol o matumba ito, dahilan para irekomenda itong putulin.

ADVERTISEMENT

Pero makalipas ang isang taon ay hindi pa rin napuputol ang puno matapos humingi ng public consultation meeting ang mga stakeholders sa lungsod.

Sa pinakahuling pulong, nagkasundo ang CENRO, LGU, at stakeholders na huwag munang putulin ang puno.

"Because there are letters from the experts who are willing to help... na kung puwede sana hindi muna putulin para mabigyan pa ng another examination assessment doon sa kahoy," sabi ni Jerome Albia ng CENRO-Bunawan.

Pero dahil sa limitasyon sa mga biyahe mula Metro Manila dahil sa pandemya, nagsagawa muna ng assessment via Zoom ang mga eksperto.

"The tree will not fall yet. 'Yun ang sinabi pero the virtual assessment is not enough that’s why they have a follow-up actual and ground assessment," ani Raul Bunao ng grupong Philippine Native Tree Enthusiast.

Bukod sa ground assessment, hinukay din ang parte ng buttress ng kahoy dahil natabunan ito ng limestone at nakitang malusog naman ang kundisyon ng kahoy.

Setyembre 25 inaasahan ang pagdating sa Agusan del Sur ng mga tree surgeons upang ipaalam ang assessment at rekomendasyon sa Toog tree.

Ang Toog tree ay tinatayang nasa 54 meters ang haba o 177 feet na may edad 300 taon.

— Mula sa ulat ni Charmane Awitan

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.