Bagong silang na sanggol tinangay sa ospital sa Isabela | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bagong silang na sanggol tinangay sa ospital sa Isabela

Bagong silang na sanggol tinangay sa ospital sa Isabela

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 14, 2019 08:22 AM PHT

Clipboard

ISABELA—Tinangay ng isang babae ang isang bagong silang na sanggol sa isang pampublikong hospital sa Santiago City, Isabela Biyernes ng hapon.

Ayon kay Police Maj. Reynaldo Balunsat, commander ng Santiago City Police Station 2, lumapit umano ang babae sa mag-ina at nagpakilalang bantay ng isa ring pasyente.

Nakisuyo umano ang babae sa nanay kung maaari nitong kargahin ang sanggol na ipinanganak Huwebes ng hapon.

"Ipinaubaya naman nung ina na noon ay nagpapahinga... kaya hindi raw niya napansin na umalis 'yung babae dala ang sanggol," ani Balunsat.

ADVERTISEMENT

Sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera, karga ng babae ang sanggol habang naglalakad ito sa nurse station kung saan may nakabantay na guwardiya.

Sa isa pang CCTV footage, tinakpan na ng itim na jacket ng babae ang sanggol hanggang makalabas sila sa ospital.

Ito na ang ikatlong insidente ng pagdukot ng sanggol sa Southern Isabela General Hospital.

Ayon kay Dr. Ildefonso Costales, iniimbestigahan na nila ang posibleng kapabayaan ng mga guwardiya sa insidente.

"Meron naman kasi tayong sinusunod na protocol, kasama diyan 'yung dapat may discharge slip 'yung mga lumalabas na pasyente," aniya.

Para sa mga nakakaalam sa kinaroroonan ng sanggol, puwedeng tumawag sa mga numerong ito—09178406385 (Santiago City Police Station 2) at 09178406374 (Santiago City Police Office.) —Ulat ni Harris Julio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.