Kagawad candidate, nangholdap umano para may pangpondo sa eleksyon: pulis | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kagawad candidate, nangholdap umano para may pangpondo sa eleksyon: pulis

Jeff Caparas,
ABS-CBN News
Published Sep 13, 2023 04:57 PM PHT
|
Updated Sep 14, 2023 09:28 AM PHT

MANILA — Arestado ng PNP ang isang kandidato ngayong barangay elections sa Biñan City, Laguna matapos na masangkot sa kidnapping at pagho-holdup sa isang negosyante at kasama nito.

Nagpanggap pa umanong pulis ang suspek at mga kasabwat nito.

Sa imbestigasyon ng Biñan City police, lumalabas na lumilikom umano ng pondo ngayong eleksyon ang nahuling kandidato kaya nagawa ang krimen.

Nitong Lunes pinasok sa hotel sa Barangay San Antonio ang mga biktimang negosyante at kasama nito.

ADVERTISEMENT
"According sa revelation nung suspek, ang kanilang mga instruction — yung mga babae iiwan na hindi naka-lock yung pinto at papasok ngayon itong nagpakilalang pulis para magpakilalang [Drug Enforcement Unit] at tatakutin yung mga biktima," ani Col. Virgilio Jopia, hepe ng Biñan police.

May dala pa umanong mga ilegal na droga ang mga suspek para taniman at takutin ang kanilang bibiktimahin.

Aabot umano sa P1.8 milyon na halaga ng pera, alahas, at gadget ang natangay sa mga biktima.

Pagkatapos ng krimen, iniwan umano sila ng mga suspek sakay ng motorsiklo at kotse.

Agad namang naitawag ng hotel staff sa Biñan PNP ang insidente at nagulat umano sila dahil wala namang police operation nung mga oras na iyon.

Kinilala ang suspek na sina Arvin Ryan Alora at Art Berroya matapos na positibong kilalanin ng mga biktima. Dagdag ng Biñan PNP, kandidato ngayong barangay elections si Alora na siya ring lumalabas na lider ng grupo.

"Tingin natin at according dun sa kanilang chat, siguro ito para makatulong sa pagtakbo nitong tumatakbong kagawad na ito dahil kailangan niya ng pera, according dun sa usapan at tinitira lang nila mga bigtime," ani Jopia.

Dagdag ng PNP, dati nang nahuli kaugnay ng ilegal na droga si Alora at may kinahaharap na kaso dahil sa pananaksak sa isang pulis noong 2018.

Aminado si Alora na kasama sa grupo pero tinanggihan niyang siya ang lider nito at para sa pondo ngayong eleksyon ang motibo sa krimen.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag si Berroya.
Tumanggi namang magbigay ng pahayag si Berroya.
ADVERTISEMENT
Patong-patong na kaso ng usurpation of authority, robbery, abduction, paglabag sa Election Gun Ban, illegal possession of firearms, at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isinampa laban sa mga suspek.

Patuloy na pinaghahanap ang iba pang kasabwat ng mga suspek.