Mag-asawa patay matapos pasukin sa bahay sa Capiz | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mag-asawa patay matapos pasukin sa bahay sa Capiz

Mag-asawa patay matapos pasukin sa bahay sa Capiz

ABS-CBN News

Clipboard

Patay ang isang mag-asawang magsasaka matapos sila pasukin at pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay sa Pontevedra, Capiz, Linggo ng gabi.

Sa imbestigasyon ng Pontevedra PNP, habang nasa loob ng kanilang bahay sa sa Brgy. Sublangon ang mag-asawa kasama ang menor de edad nilang anak, bigla silang pinasok ng dalawang lalaki na nakasuot ng bonnet.

Ilang beses na pinagbabaril ang mga biktima na kinilalang sina Reynaldo Delgado at Fe Delgado.

Nakatakbo umano sa labas ng bahay si Reynaldo pero hinabol siya ng mga suspek at pinagbabaril.

ADVERTISEMENT

Nakahingi ng tulong sa mga kapitbahay si Fe at kaagad silang dinala sa ospital pero idineklarang dead on arrival ng doktor si Reynaldo habang namatay naman si Fe habang ginagamot.

Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang anim na basyo na pinaniniwalaang nanggaling sa isang .45 caliber pistol.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Pontevedra PNP sa nangyaring pamamaril at pagtukoy sa mga salarin sa krimen.—Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.