Lalaki sugatan nang mahagip ng tren ng PNR

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2019 02:18 PM

MAYNILA - Sugatan ang isang lalaki matapos na mahagip ng Philippine National Railways (PNR) train sa Buendia crossing sa Makati, Huwebes ng umaga. 

Ayon kay Josephine Geronimo, tagapagsalita ng PNR, tumawid ang lalaki habang umaandar pa ang tren. 

Wala nang malay ang biktima nang madatnan ng rescue team. 

Agad dinala ng ambulansiya ang lalaki sa ospital upang maisalba ang buhay nito.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.