Bakit bawal ang 'scalping' sa ilang lugar? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bakit bawal ang 'scalping' sa ilang lugar?

ABS-CBN News
Published Sep 10, 2019 03:09 PM PHT
|
Updated Sep 10, 2019 03:27 PM PHT

Sa pagsisimula ng UAAP Season 82, naglipana na rin ang mga scalper o iyong mga bibili ng maraming tiket para maibenta sa mas malaking halaga sa gilid-gilid ng mga stadium.

Kaakibat nito, nagpataw ng mga ordinansa ang mga lokal na pamahalaan ng Quezon City at Pasay para pagbawalan ito, lalo na’t nasa mga lungsod na iyon ang ilan sa pinakatanyag na venue para sa mga concert at sports events.

Bagama’t wala naming pumipilit sa mga manonood na bumili ng tiket, may elemento ng pananamantala ang pagbebenta ng mga scalper, ayon sa abogadong si Noel Del Prado sa programang "Usapang de Campanilla" ng DZMM noong Lunes.

Napipilitan daw kasi ang mga manonood na bumili nang mas mahal na ticket, lalo na kung talagang "sold out" na ang pupuntahang laro o concert.

"May elemento kasi ng pananamantala. Karaniwang ito kasing mga scalper nandiyan sa labas ng mga venue ng mga events mismo at karaniwan 'yong mga last minute na gustong humabol, nagbabakasakali, 'yung mga hindi nakapila, iyan ang talagang pinagsasamantalahan nila," ani Del Prado.

May tsansa rin aniya na peke ang maibentang tiket sa tatangkilik sa scalper.

"Minsan iyong mga scalper, hindi totoong tiket ang ibinebenta. Mayroon ding panloloko doon. Nagpi-print sila ng kapareho at ibinebenta nang mas mahal... tapos pagdating nila doon ini-scan na 'yung bar eh peke pala 'yung ticket," aniya.

Aabot sa P5,000 multa o pagkakulong ng isang taon ang maaaring haraping parusa ng scalper sa Quezon City.

Inihain na rin noong nakaraang Kongreso ang panukalang pagbawalan ang scalping sa buong bansa at gawing P40,000 ang multa nito, katapat pa ng anim na buwang pagkakakulong sa unang offense.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Usapang de Campanilla
UDC
scalping
scalper
Quezon City
Pasay
tickets
ordinance
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT