4 'scalper' ng UAAP tickets huli sa QC

ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2019 01:04 PM

Naaresto ang apat umanong scalper dahil sa pagbebenta ng mga tiket para sa men's basketball tournament ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) sa may Smart Araneta Coliseum sa Quezon City noong Linggo.

Nasa edad 20 hanggang 26 ang apat na suspek, ayon sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD).

Nahuli ang mga suspek bandang alas-3:30 ng hapon na nagbebenta umano ng mga tiket sa laro ng De La Salle University at Ateneo de Manila University nang mas mahal sa regular nitong presyo, ayon sa QCPD.

Isang ordinansa sa Quezon City ang nagbabawal sa scalping.

Dadalhin sa Quezon City Prosecutor’s Office ang mga suspek para sumailalim sa inquest proceedings.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.