Mga motoristang pumasok sa EDSA bus carousel pinaghuhuli | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga motoristang pumasok sa EDSA bus carousel pinaghuhuli

Mga motoristang pumasok sa EDSA bus carousel pinaghuhuli

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Mahigit 70 motorista ang pinagsisita at tiniketan ng mga tauhan ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) sa panibagong operasyon nito kontra sa mga pasaway na motoristang pilit na pumapasok sa EDSA bus carousel lane kahit na bawal.

Sa EDSA Makati, bago ang Magallanes flyover, sumentro ang panghuhuli ng mga awtoridad nitong Biyernes ng hapon kung saan walang kawala ang lahat ng mga iligal na pumasok sa bus carousel.

Ang motorcycle rider na si Rene Dadivas, bukod sa pagpasok sa bus lane, nadiskubre ding wala palang driver’s license habang nagmamaneho.

Pilit na nakiusap si Dadivas sa sumitang tauhan ng Philippine Coast Guard at idinahilang nasita na siya kahapon sa isang checkpoint at kinuha na umano doon ang kanyang lisensiya.

ADVERTISEMENT

Pero hindi ito pinalusot at tinuluyan pa rin kaya bukod sa pagpasok sa bus carousel, tiniketan din siya dahil sa pagmamaneho nang walang kaukulang lisensiya.

Sabi ni Coast Guard Seaman First Christian Flora, tinangka pa siyang suhulan ni Dadivas.

“Nag-aalok kasi sir ng bayad sabi babayaran na lang eh unang-una sir bawal satin yan, bribery sir ang violation niyan. Ang penalty natin disregaring traffic sign,” ani Flora.

Sabi naman ng taxi driver na si Antonio Caacbay, dapat ay magbigay pa rin ng konsiderasyon ang mga awtoridad sa mga pribadong motorista na gaya niya lalo’t wala naman aniyang bus stop na malapit dito.

“Dapat sir ikonsidera naman nila kasi malayo pa naman ang bus stop dito eh, wala namang bus stop dito sa unahan saka dati araw-araw naman maraming dumadaan dito hindi naman nila hinuhuli,” pakiusap ni Caacbay.

Aminado si Caacbay na iniiwasan niya ang mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA kaya pumasok pa rin sa bus carousel lalo’t nagmamadali aniya ang kanyang pasahero papuntang bus terminal.

“Kasi sir ma-traffic ‘dyan sa kabila kanina - paglabas ng Ayala. Ang traffic eh, hinahabol ang oras ng pasahero ko papuntang Victory Liner (station). Pumasok kami dito akala namin walang nanghuhuli,” sabi ni Caacbay.

Dinaan na lang sa tawa ng company driver na si Domingo Manuel ang sitwasyon matapos mahuli at matiketan sa bus lane.

Aminado siyang alam din niyang bawal dito pero nagmamadali na rin aniya kasi sila pabalik sa opisina.

Sabi ng I-ACT, ang pagpasok sa EDSA Bus Carousel lane ng mga hindi awtorisadong motorista ay papatawan ng multang P1,077 dahil sa paglabag sa batas trapiko o disregarding traffic sign.

Kung ang driver na lumabag ay isang PUV driver, mababawasan ng 10-points ang kanyang 40-points sa demerit system ng LTO habang 5 points naman sa bawat paglabag para sa mga pribadong motorista na makakapekto sa kanyang record sa pagre-renew ng lisensiya.

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.