Kabataang Pilipino sa Phnom Penh, Cambodia, puwede ng magpaCOVID-19 vax | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kabataang Pilipino sa Phnom Penh, Cambodia, puwede ng magpaCOVID-19 vax

Kabataang Pilipino sa Phnom Penh, Cambodia, puwede ng magpaCOVID-19 vax

TFC News Cambodia

 | 

Updated Sep 08, 2021 11:48 AM PHT

Clipboard

PHNOM PENH, CAMBODIA -- Inaanyayahan ang mga Pilipinong kabataan sa Phnom Penh, Cambodia na magpabakuna laban sa COVID-19 ayon sa anunsiyo ng Embahada ng Pilipinas sa Cambodia. Base na rin ito sa Announcement No. 071 /21 ng Phnom Penh Municipal Administration na inilabas noong ika-6 ng Setyembre, 2021.

Kailangan lamang iprisinta ang Cambodian national ID card o passport.

Ang kabataang may edad 12 hanggang 17 sa Phnom Penh kabilang na ang may edad 18 taong gulang pataas na hindi pa nababakunahan ay maaaring tumanggap ng COVID-19 vaccine sa mga sumusunod na referral hospital mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon:

1. Phnom Penh Municipal Referral Hospital At the corner of street 134 and 169, Veal Vong Commune, 7 Makara District

2. Chaktomuk Referral Hospital National Road no. 5, Village 17, Sras Chak Commune, Duan Penh District

3. Dongkor Referral Hospital Street no. 217, Kva Village, Dongkor Commune, Dongkor District

4. Sen Sok Cambodia-China Friendship Hospital Sen Sok 5 Street, Sen Sok 5 Village, Khmounh Commune, Sen Sok District

5. Chbar Ampov Referral Hospital At the corner of street 361 and street 638, Chbar Ampov 1 Commune, Chbar Ampov District

6. Pochentong Referral Hospital Street 56K, Ta Ngoun 2 Village, Kakab I Commune, Posenchey District

7. Prek Pnov Referral Hospital Po Mongkol Village, Prek Pnov Commune, Prek Pnov District

8. Samdech Ov – Samdech Mea Referral Hospital National Road No. 5, Spean Kpoous Village, Kilomet Lek 6 Commune, Russey Keo District

Samantala, ayon din sa Embahada, ang mga kabataang 12-17 years old na nakatanggap na ng unang dose ng COVID-19 jab ay kinakailangang dalhin uli ng magulang sa vaccination site kung saan nakuha ang unang dose para sa second COVID-19 jab.

ADVERTISEMENT

Bisitahin ang link na ito ng Philippine Embassy in Cambodia para sa iba pang detalye.

At para sa mga katanungan patungkol sa COVID-19 vaccination, maaaring makipag-ugnayan sa Working Group for Public Relations/ Secretariat, Working Group for Registration and IT Working Group for Vaccine Safety sa mga sumusunod na telephone number:

cambodia
Mga telepono na puwedeng tawagan patungkol sa COVID-19 vaccination sa Phnom Penh

Source: Philippine Embassy in Cambodia

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.