Mga tagilid na poste, responsibilidad ba lahat ng Meralco? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga tagilid na poste, responsibilidad ba lahat ng Meralco?

ABS-CBN News
Published Sep 08, 2018 08:28 PM PHT

Marami ang nagrereklamo sa mga nakahilig o tagilid na poste ng kuryente, pero lahat nga ba ito ay dapat isisi at ipasagot sa Meralco?

Sa isang lugar sa Rosario, Cavite, isang posteng tagilid ang pinangangambahang bumigay, na ayon sa mga taga-roon ay tinalian lang ng wire noong umulan para hindi makadisgrasya.

Ilang beses na raw nilang inireklamo ang problema at ang huling followup ay noon pang Hulyo.

"Sana maaksyunan nila at palitan ang poste kasi matagal ko nang nirereklamo 'yan... Livewire 'yan so delikado 'yan once matumba," giit ni Rhea Dinglasan, isang residente.

ADVERTISEMENT
Noong Setyembre 4, pinalitan na ng Meralco ng steel post ang lumang poste. Nagpaliwanag din ang kompanya kung bakit natagalanan ang aksyon.

"Sa dami talaga [ng reklamo] kung minsan kailangan mo talaga i-schedule... Hindi naman pababayaan ang anumang pasilidad namin na kailangan palitan lalo na 'yung hazardous," depensa ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga.

Sa Old Balara, Quezon City, nakahilig na rin ang lumang posteng kahoy na nagdudulot ng pangamba sa mga residente.
Idinulog ng "Tapat Na Po" sa Meralco ang problema pero lumilitaw na pribado pala ang poste. Ibig sabihin, lagpas 30 metro ang layo nito sa power source.

"Ang private pole, ang gagastos dun ay 'yung mga residente...Kasi dun nakalagay ang metro sa poste," ani Zaldarriaga.

Nakahanda naman ang Meralco na magrekomenda ng contractor na puwedeng magtayo ng bagong poste.
Sa mga konsumer na nais magpadala ng reklamo, mag-post lamang sa Facebook page ng "Tapat Na Po."

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT