'Enough is enough': Kampanya kontra campus predators inilunsad | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Enough is enough': Kampanya kontra campus predators inilunsad

Johnson Manabat,
ABS-CBN News
Published Sep 07, 2022 08:57 PM PHT

QUEZON CITY — Nagsama-sama ngayong Miyerkoles ang ilang dating estudyanteng naging biktima umano ng sexual abuse ng ilan sa kanilang mga naging guro para isulong ang kaligtasan ng mga kabataan sa loob ng paaralan.

Sa press briefing malapit sa opisina ng Commission on Human Rights, inilunsad ang kampanya ng grupong "Enough Is Enough" o EIE na kinabibilangan ng advocates ng gender equality at mga naging biktima ng umano'y pang-aabusong seksuwal sa Bacoor National High School o BNHS, Philippine High School for the Arts o PHSA, at Far Eastern University Senior High School.

Nais nilang protektahan ng pamahalaan ang karapatan ng mga estudyante sa loob ng eskuwelahan.

Sabi ni Sophia Beatriz Reyes, lead convenor ng EIE, importanteng magkaroon ng malinaw na mekanismo ang Department of Education at ang iba pang mga ahensiya ng pamahalaan para sa mga estudyanteng biktima ng sexual abuse at kung paanong mapapanagot ang campus predators.

ADVERTISEMENT
“Kahit pumutok sa balita ang resurfacing ng mga kaso ng abuse of harassment sa iba't ibang paaralan, hindi maitatanggi ang resistance mula sa administration, mula sa authorities, mula sa iba't ibang paaralan," sabi ni Reyes.

"Kadalasan, hindi pa rin talaga tapat na hinaharap ang mga problema na nire-raise ng kanilang estudyante... So bottom line, hindi pa rin tayo protektado. Hindi pa rin empowered. So 'yung problema ay sa mismong sistema. Nasa sa mismong polisiya. Mas centered sa pagprotekta ng authorities kaysa sa estudyante."

Ayon kay Patricia Racca, acting gender committee head ng Samahan ng Progresibong Kabataan o SPARK at miyembro din ng EIE, social media na lang sa ngayon ang nagiging takbuhan ng victim-survivors dahil hindi aniya handa ang school administrators na tugunan ang reklamo ng mga bata.

“The policies that they worked with ay framework na inaalagaan pa yung mismong mga predator. Nakita din natin sa panahon nitong online classes na mas vulnerable yung mga bata sa sexual abuse and harassment," sabi ni Racca.

"Nakakagalit dahil maraming nag-dropout nitong online class dahil sa inaccessibiliy ng education. Pero yung mga predator, nanatili pa rin given the online setup."

Nanawagan ang grupo sa DepEd at sa mga educational institutions na baguhin ang kasalakuyang polisiya nito sa mga nais magreklamo ng sexual abuse. Anila, mas pabor dapat sila sa mga biktima at hindi sa mga inirereklamong guro.

“Enough Is Enough, together with SPARK, nananawagan po kami na baguhin na 'yung current policies kung nais nating protektahan 'yung mga bata," ani Racca.

"'Yung child protection ng DepEd at even 'yung Safe Spaces law na supposedly ay progressive na, pero hindi pa rin enough para sa mga biktima na makuha nila 'yung hustisya. Once na mag-file ka ng complaint, that’s the moment na mamamatay na 'yung kaso. Lulunurin lang 'yung mga biktima sa teknikal, sa mga legal na usapin," dagdag niya.

Ayon sa EIE at SPARK, simula nang lumutang sa media ang mga reklamo ng sexual abuse ng ilang estudyante, nakatanggap na sila ng mga reklamo mula sa mahigit 11 eskuwelahan dito sa Metro Manila, Pampanga at Agusan del Norte.

Karamihan sa mga reklamo ay mula sa mga estudyante ng Junior at Senior High School sa mga pampublikong eskwelahan. Mayroon ding dalawang reklamo mula sa private Catholic schools, at isa sa National Science High School.

Kasama sa presscon ng grupo sina alyas Tom at alyas Miguel na dating estudyante umano ng Bacoor National High School.

Kuwento ni "Tom", nangyari umano ang pang-aabuso sa kaniya ng dating guro sa BNHS noong 2017 habang nasa Grade 8 siya.

“Galing po ako ng school no'n. Tinatanong ako kung nasaan ako. Tapos pinapapunta ako sa kanila para magmerienda daw . 'Tas tumanggi naman po ako... Tinanong niya po ako kung may experience daw ako sa bakla. ‘Tas sabi ko po, wala. May mga kaklase din po akong mine-message niya,” kuwento ni "Tom".

Aminado si "Tom" na hindi rin niya agad nasabi sa kaniyang mga magulang ang nangyari at hindi rin nagawang magreklamo agad sa eskuwelahan.

“Hindi po, kasi malayo din po 'yung pamilya ko. ’Tas hindi ko na rin po nagawang ireklamo sa school kasi natatakot ako na baka ibagsak ako o pahirapan ako sa requirements. 'Tsaka baka kantiyawan ako ng mga kaklase ko. Baka ma-bully din po ako,” aniya.

Kuwento naman ni "Migue"l, Grade 9 siya nang mangyari ang aniya'y pang-aabuso doon din sa BNHS.

“Nagawa niya sa akin, nahahawakan niya ako sa dibdib, sa tiyan… Bigla-bigla siyang nanghihipo na lang. 'Yun po yung pinakadinadala ko ngayon. Kasi kapag naalala ko siya, nandidiri pa rin talaga ako. Kasi nung time na 'yun, hindi ko pa alam na may malisya na yung ginagawa niya since Grade 9 pa lang ako nu'n. Until nung nagkukuwento na 'yung iba kong ka-batch na may ginagawang kabastusan si Sir sa iba niyang students,” ani Miguel.

Aminado ang dalawa na kamakailan na lang din nalaman ng kanilang mga magulang ang nangyari nang maglabasan na sa social media ang mga reklamong gaya ng nangyari sa kanila.

Tumatayong legal counsel ng dalawa at ng iba pang mga complainant si Atty. Aaron Pedroso ng grupong SANLAKAS na kasama rin nilang humarap sa media.

Sabi ni Pedrosa, malaki ang problema sa kasalakuyang setup sa mga eskuwelahan sa mga insidente ng sexual abuse dahil complaint driven pa rin ang proseso ng paghabol sa mga campus predators.

“'Yung kawalan pa rin ng enabling mechanism at tsaka 'yung support system. May mga batas - yung RA 7610, yung Child Abuse Law. 'Yung DepEd, meron siyang Child Protection Policy. Pero sa karanasan ng 11 mga eskuwelahan na merong mga biktima, parang uphill 'yung battle kasi nananatiling nakasalalay sa mga biktima. Sila na nga 'yung naabuso, sila pa 'yung magsisimila ng proseso," sabi ni Pedrosa.

Dagdag pa ni Pedrosa, kailangan din na mayroong psychosocial intervention sa mga biktima ng sexual abuse, gayundin sa kanilang pamilya.

Hinihikayat ng grupo ang iba pang victim-survivors ng sexual abuse na mag-sign up sa kanila sa pamamagitan ng www.punishpredators.sparkkabataan.org

Una nang naglunsad ang DepEd ng fact-finding investigation laban sa pitong guro ng BNHS na idinadawit sa sexual harassment matapos silang pangalanan sa social media post ng mga nagrereklamong estudyante.

IBA PANG ULAT
Read More:
Tagalog news
sexual harassment
sexual abuse
Enough Is Enough
Samahan ng Progresibong Kabataan
SPARK
Patricia Racca
Sophia Beatriz
Reyes
Aaron Pedroso
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT