Pila sa LRT-1 Balintawak station humaba sa pagsasara ng Roosevelt station | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pila sa LRT-1 Balintawak station humaba sa pagsasara ng Roosevelt station

Pila sa LRT-1 Balintawak station humaba sa pagsasara ng Roosevelt station

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 07, 2020 06:50 PM PHT

Clipboard

MAYNILA - Humaba ang pila ng mga pasahero sa Balintawak Station ng LRT-1 ngayong Lunes kasunod ng pagsasara ng Roosevelt Station.

Inabot ng higit 200 metro ang haba ng pila sa Balintawak Station simula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga.

Sa Balintawak Station kasi nagpuntahan ang mga dating sumasakay sa Roosevelt Station, na sarado sa loob ng higit 3 buwan para bigyang daan ang pagtatayo ng Unified Grand Central Station.

Tinatayang nasa 5,000 hanggang 7,000 ang pasaherong apektado ng pagsasara ng Roosevelt Station.

ADVERTISEMENT

"Inasahan namin na magkakaroon ng dagdag na pila sa aming Balintawak Station... kaya nagdagdag kami ng crowd management support," ani LRT-1 Spokesperson Jacqueline Gorospe.

Nakadagdag din sa haba ng pila ang mahigpit na pagpapatupad ng social distancing mula sa platform ng istasyon.

Watch more in iWantv or TFC.tv

May ilang pasaherong pumunta sa Roosevelt Station pero nang malamang sarado ang istasyon, sumakay na lang ang mga ito ng mga bus.

Mayroon ding mga bus na may rutang mula Roosevelt paikot ng Balintawak, na may pamasaheng P13.

"Mag-U-turn lang siya doon, very small loop lang po. I'd like to attribute it to adjustment muna dahil naninibago rin po ang tao," ani Transportation Assistant Secretary Mark Steven Pastor.

ADVERTISEMENT

Pinadaan na rin sa Roosevelt Station ang EDSA bus loop.

Tulad sa LRT-1, tuloy pa rin ang bus augmentation sa MRT-3, lalo na at limitadong kapasidad pa rin ang pinasasakay dahil sa social distancing.

Nagdagdag na rin ng mga tren na pinatatakbo, kasama ang mga tren na binili noong nakaraang administrasyon mula Dalian, China.

Nagsisimula ang pag-ikot ng bus augmentation alas-4:30 ng madaling araw hanggang alas-10:30 ng gabi tuwing weekedays, at alas-9:45 ng gabi sa weekends.

Ipinagbabawal pa rin ang pagsakay sa mga railway ng mga taong walang suot na face mask at face shield.

ADVERTISEMENT

Bawal din ang pakikipag-usap at pagtawag sa telepono sa loob ng mga tren.

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.