LRT Roosevelt station, higit 3 buwang isasara para sa pagtatayo ng unified station

ABS-CBN News

Posted at Sep 02 2020 12:28 PM | Updated as of Sep 04 2020 07:15 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Simula Setyembre 5 isasara muna ang Roosevelt station ng Light Rail Transit - Line 1 (LRT-1) sa Quezon City para sa pagtatayo ng isang unified terminal. 

Paliwanag ni LRT Authority (LRTA) spokespeson Jacqueline Gorospe, ito ay para magbigay-daan sa gagawing Unified Grand Central Station. Higit tatlong buwan ang inaasahang pagsasara ng estasyon.

Ang unified station ang magsisilbing common station na magdurugtong sa mga estasyon ng LRT-1, MRT-3, at ang ginagawa pang MRT-7 para sa mas mabilis na paglipat ng mga tren ng mga pasahero. 

Tuloy naman ang operasyon ng LRT sa Baclaran station hanggang Balintawak station kaya ang ilang pasahero, nagpasyang magbago ng ruta para makapunta sa trabaho. 

Makikipag-ugnayan naman ang LRTA sa Metropolitan Manila Development Authority at ibang ahensiya hinggil sa pagde-deploy ng mga bus na aayuda sa mga apektadong pasahero. 

Hanggang Disyembre 28 isasara ang naturang estasyon. 

-- May ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.