Guro timbog sa panghahalay umano sa Grade 5 student | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Guro timbog sa panghahalay umano sa Grade 5 student

ABS-CBN News
Published Sep 06, 2023 04:34 PM PHT
|
Updated Sep 06, 2023 10:05 PM PHT

MAYNILA — Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Grade 5 teacher matapos umanong halayin ang 11 anyos niyang estudyante.

Dinala umano ng suspek na si alyas "Mike" ang biktima sa isang motel para halayin at hinatid ulit sa bahay nito sa Cavite.

Kalauna'y sinabi ng biktima sa kaniyang ina na si alyas "Marlene" ang paghahalay kaya dumulog sila sa NBI.

"Sobrang walang kapatawaran. Tapos sabi niya sa anak ko mahal niya... Sinabi pa niya na iiwan niya ang mga anak at asawa niya para sa anak ko," ani "Marlene."

Nabawi sa biktima ang isang banig ng pills na pinainom umano ng misis ng suspek sa kaniya matapos matuklasan ang panghahalay.

Ayon sa biktima, Hunyo pa nagsimula ang panghahalay at ilang beses ito nangyari sa opisina ng teacher sa eskuwelahan. Naghinala umano ang ina ng biktima dahil napapadalas na late nakakauwi ang bata.

Nasa 32 ang edad ng suspek at siyam na taon nang teacher. Tatlo ang anak niyang babae, na halos kasing edad ng biktima.

Ayon sa suspek, hindi niya pinilit ang bata.

Ang age of consent sa Pilipinas ay 16, at hindi maaring magbigay ng pahintulot ang mga bata sa sekswal na relasyon.
Ang age of consent sa Pilipinas ay 16, at hindi maaring magbigay ng pahintulot ang mga bata sa sekswal na relasyon.
ADVERTISEMENT
Kinasuhan ng child abuse, rape at abduction ang suspek. Kasama rin sa reklamo ang kaniyang misis na nagpainom umano ng pills sa bata.

Ayon sa NBI, mahalagang mapanatili na bukas ang komunikasyon ng mga magulang sa kanilang mga anak para mabantayan at malaman ang kanilang saloobin.

Nakatakda ring ipatawag ang pamunuan ng eskuwelahan sa imbestigasyon dahil bukod sa panghahalay sa loob ng pasilidad, reklamo ng pamila'y wala silang nakuhang tulong sa principal sa insidente.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang paaralan. Nakikipag-ugnayan na umano sila sa legal division at regional offices ng Department of Education tungkol sa kaso.

— Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
krimen
arrest
child abuse
rape
abduction
National Bureau of Investigation
teacher
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT