Abogado ng Chinese huli sa tangkang panunuhol ng pulis | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Abogado ng Chinese huli sa tangkang panunuhol ng pulis

Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Sep 06, 2019 10:41 AM PHT
|
Updated Sep 07, 2019 11:58 AM PHT

Abogado ng isa sa Chinese na nahuli sa umano'y pambubugaw sa Makati noong Miyerkules, arestado sa tangkang panunuhol sa pulis sa loob ng Camp Bagong Diwa pic.twitter.com/1GN9tVN4SR
— Anjo Bagaoisan (ᜀᜈ᜔ᜇᜒᜌᜓ ᜊᜄᜏᜒᜐᜈ᜔) (@anjo_bagaoisan) September 5, 2019

MANILA (UPDATE) — Inaresto ang isang abogado at kaniyang 2 kasamahan matapos umano subukang manuhol ng mga pulis para makalaya ang kaniyang kliyenteng Chinese.

Isa ang kliyente ng abogadong si Joselito Vasquez sa 2 babaeng Chinese na nahuli nitong Miyerkoles dahil sa pambubugaw umano ng mga Vietnamese.

Ibinubugaw umano ang mga babae sa mga Chinese na tauhan ng POGOs o Philippine offshore gaming operations, ayon kay Metro Manila police director Police Maj. Gen. Guillermo Eleazar.

Nag-alok aniya si Vasquez ng P2 milyon para makalaya ang kliyente mula sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

ADVERTISEMENT
Dinakip ang abogado matapos iabot ang envelope na may lamang P1 milyon sa pinuno ng Special Operations Unit ng National Capital Region Police Office.

Timbog din ang 2 kasamahan ng abogado na nagdala rin ng perang panuhol na umabot sa P1.2 million pic.twitter.com/edRmYXNyLA
— Anjo Bagaoisan (ᜀᜈ᜔ᜇᜒᜌᜓ ᜊᜄᜏᜒᜐᜈ᜔) (@anjo_bagaoisan) September 5, 2019
Timbog din ang 2 kasamahan ng abogado na nagdala rin ng perang panuhol na umabot sa P1.2 million pic.twitter.com/edRmYXNyLA
— Anjo Bagaoisan (ᜀᜈ᜔ᜇᜒᜌᜓ ᜊᜄᜏᜒᜐᜈ᜔) (@anjo_bagaoisan) September 5, 2019
Hinuli rin ang driver na si Meljohn Palma na naghatid ng dagdag na P200,000 suhol gayundin ang kanilang kasamahang Chinese na si Huang Xiangfei na pinagkuhanan umano ng pera.

Tumangging magbigay ng pahayag ang abogado pero sinabi nito kay Eleazar na ito ang tanging insidenteng sinubukan niyang manuhol ng pulis.

Posibleng matanggalan si Vasquez ng lisensya bilang abogado. Kakasuhan din siya at mga kasamahan ng attempted bribery or corruption of public officials.