Sanggol natagpuang patay sa kalye sa Bacolod | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sanggol natagpuang patay sa kalye sa Bacolod

Sanggol natagpuang patay sa kalye sa Bacolod

Marty Go,

ABS-CBN News

Clipboard

Natagpuan ang isang patay na sanggol sa loob ng isang plastic bag sa kalye sa Barangay 19, Bacolod City nitong Miyerkoles.

Ayon sa driver na si Cheryl Tabujara, nakita niyang iniwan ang plastic bag sa daan.

Pinaniniwalaang bagong silang ang sanggol.

Tumulong na ang mga opisyal ng barangay sa pulisya sa paghahanap ng dagdag na testigo para makilala kung sino ang responsable sa pag-iwan ng sanggol sa daan.

ADVERTISEMENT

Tinitingnan din ng pulisya ang mga CCTV footage ng mga bahay malapit sa lugar.

Nanawagan ang pulisya sa kung sino man ang may impormasyon para makilala ang responsable.

Nagsagawa ng misa nitong Huwebes ng umaga ang barangay bago ilibing ang sanggol sa Bacolod Public Cemetery.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.