Bigay galang at Lupang Hinirang: 'Oplan Bandila' ipatutupad sa Calabarzon | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bigay galang at Lupang Hinirang: 'Oplan Bandila' ipatutupad sa Calabarzon

Bigay galang at Lupang Hinirang: 'Oplan Bandila' ipatutupad sa Calabarzon

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 06, 2018 07:16 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ikinasa sa Calabarzon ang "Oplan Bandila" kung saan mahigpit na ipatutupad ang pagbibigay-galang sa pambansang awit at bandila ng Pilipinas.

Nitong Miyerkoles, 34 ang naaresto sa isang sinehan sa bayan ng Lemery, Batangas dahil sa paglabag sa Republic Act No. 8491, o ang "Flag and Heraldic Code of the Philippines."

Ang batas na ito ang siyang nagpaparusa sa lahat ng hindi nagbibigay-pugay sa watawat at sa pambansang awit ng bansa.

Bago ikinasa ang operasyon, nagsagawa ng dry run ang pulisya ng 3 linggo, ayon kay Chief Insp. Alfie Salang, hepe ng Lemery Police.

ADVERTISEMENT

"Kahapon po, yun po ang start ng implementation namin ng Oplan Bandila, ito po ay simultaneous namin ginagawa sa lahat po ng bayan na may sinehan, sa mga malls na may sinehan sa Region 4-A (Calabarzon)," aniya.

"Bilang Pilipino, we should salute, we should respect our flag and our national anthem 'pag ito po ay pinapatugtog."

Dagdag niya, nakasibilyan ang pulisya sa loob ng sinehan habang ang mga naka-unipormeng pulis ay nasa labas lamang nito.

"Yung ating mga tauhan po may kaniya-kaniyang surveillance camera, nakakalat po sila sa sinehan. Kami pong uniformed ay nandun lang po kami sa labas ng sinehan," aniya.

Ang lalabag sa batas ay maaaring magmulta ng hindi bababa sa P5,000 at hindi hihigit ng P20,000, at maaaring makulang ng hindi hihigit sa 1 taon ayon sa pasya ng korte.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.