ALAMIN: 'Dura' at 'ipit' modus, paano ito maiiwasan? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: 'Dura' at 'ipit' modus, paano ito maiiwasan?

ALAMIN: 'Dura' at 'ipit' modus, paano ito maiiwasan?

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nagbabala ang pulisya sa publiko laban sa mga istilo ng mga kawatan na pambabaling sa pansin ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan upang sila ay manakawan.

Isa sa mga modus na ito ang "dura modus," kung saan lalapitan ng mga kawatan ang biktima para sabihang may laway sa kaniyang kasuotan. Kapag napunta ang atensiyon ng biktima sa dura, doon na kukuhanin ng mga kawatan ang gamit ng biktima.

Sa "ipit modus" naman, nakikipagsiksikan ang mga kawatan para maipit ang biktima para makahanap ng tiyempo sa pagnanakaw.

Ayon kay Chief Inspector Kim Molitas, tagapagsalita ng National Capital Region Police Office (NCRPO), maituturing ang dalawang modus na "organized crime."

ADVERTISEMENT

"Bago naman sila talagang magnakaw, pinag-iisipan nilang maigi. Pinaplano nila kung ano ang gagawin nila. Duduraan ka ng isa sa kanila para ma-distract ka o siguro baka para magalit ka. 'Yong atensiyon mo, wala na sa gamit mo," paliwanag ni Molitas.

Ipinaalala ni Molitas sa publiko na itago sa bag ang mga mahahalagang gamit gaya ng cellphone at wallet. Kung makikipagsiksikan, isukbit umano ang bag sa harapan at yakapin.

"Maging mapagmatiyag tayo, maging alerto tayo," dagdag ni Molitas.

Mainam din umanong iwasan ang paglabas ng cellphone kapag nasa mga pampublikong lugar.

Kapag nabiktima ng kawatan, tandaan ang kanilang mukha at agad idulog sa mga awtoridad, ani Molitas.

Para sa iba pang payong pangkaligtasan, sundan ang "Red Alert" sa Facebook (fb.com/RedAlertABSCBN) at Twitter (@ABSCBNRedAlert).

-- Ulat nina Toph Doncillo at Jeff Canoy, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.