5 patay, 11 sugatan sa aksidente sa Kawit | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
5 patay, 11 sugatan sa aksidente sa Kawit

ABS-CBN News
Published Sep 06, 2017 10:06 AM PHT
|
Updated Sep 06, 2017 12:41 PM PHT

MAYNILA (Update) - Patay ang 5 tao, habang hindi bababa sa 11 ang sugatan nang salpukin ng isang pampasaherong jeep ang kongkretong poste ng kuryente sa Centennial Road sa Kawit, Cavite, Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa mga awtoridad, biyaheng Zapote mula Tanza ang jeep nang maaksidente bandang alas-6:15 ng umaga. Sa lakas ng pagsalpok, basag at tanggal ang windshield at yupi ang unahan ng jeep, dahilan para maipit ang ilang pasahero.

Kabilang sa mga malubhang nasugatan ang tsuper ng jeep na may plakang DVK-713, samantalang kinikilala pa ang mga namatay at iba pang nasugatan sa aksidente.

Ayon kay Chief Inspector Dhefry Punzalan ng Kawit police station, maituturing na "self-accident" ang pagkakabangga ng jeep na may sakay na aabot sa 16 na pasahero.

Agad namang dinala ng mga rescuer ang mga pasahero sa Kawit Kalayaan Hospital at Divine Grace Medical Center sa General Trias, Cavite para matingnan ng mga doktor.

Kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ang dahilan ng pagsalpok ng jeep sa poste.--ulat mula kay Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News