Ople: overseas gov’t personnel, isama sa sakop ng anti-sexual harassment law | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ople: overseas gov’t personnel, isama sa sakop ng anti-sexual harassment law

Ople: overseas gov’t personnel, isama sa sakop ng anti-sexual harassment law

Annalyn 'Apol' Mabini | TFC News

 | 

Updated Sep 05, 2022 04:08 PM PHT

Clipboard

PHILIPPINES - Nanawagan si Department of Migrant Workers o DMW Secretary Susan Ople sa mga mambabatas na palawakin ang sakop ng batas laban sa sexual harassment para maisama ang lahat ng overseas government personnel. Ipinahayag ito ng Kalihim sa organizational meeting ng Senate Committee on Migrant Workers Affairs o COMWA noong August 31, 2022.

Ibinahagi ni Sec. Ople ang iba-ibang kasong nahawakan niya bilang isang migrant workers’ advocate patungkol sa diplomatic officials at iba pang kawani ng gobyerno sa labas ng bansa na nagsamantala sa mga Pilipinang domestic worker na nagpasaklolo sa mga Embahada.

DMW
Ang isinagawang limitadong organizational meeting ng Senate Committee on Migrant Workers Affairs o COMWA noong August 31, 2022 kasama si DMW Sec. Ople

"May mga instances po noon na nababalitaan namin na nilalabas ng overseas personnel ang wards para makipag-date kaya sa DMW mahigpit po ang aming policy against sexual harassment," pahayag ni Sec. Ople.

Ayon pa sa DMW, inihalimbawa ng Kalihim ang kaso ng isang ambassador na nakasuhan ng sexual harassment ng isang domestic worker sampung taon na ang nakakaraan. Ang nasabing kaso ay naresolba lamang noong nakaraang buwan kung saan pinagmulta ang sangkot na ambassador na isa ng retirado.

ADVERTISEMENT

"Second year high school lang ang tinapos nung domestic worker at kinuha siya sa shelter para maging kasambahay nung ambassador kaya clearly very vulnerable ang katayuan niya,” sabi ng Kalihim.

Ang bulnerableng katayuan ng mga manggagawang Pilipino sa labas ng bansa ang nais mabigyan ng proteksyon ng DMW.

"Sana po palawakin po ang coverage ng anti-sexual harassment law para maisama ang lahat ng government employees assigned sa iba't ibang bansa mula sa ambassador hanggang sa mga drivers at local hires," dagdag ni Sec. Ople.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.