100 pamilya apektado ng sunog sa Quezon City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

100 pamilya apektado ng sunog sa Quezon City

100 pamilya apektado ng sunog sa Quezon City

Zyann Ambrosio,

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 05, 2022 07:13 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Nasa 100 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na tumama ngayong Lunes sa Barangay Baesa, Quezon City, sabi ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Bandang alas-10 ng umaga nang sumiklab ang sunog, na idineklarang fire out alas-12:43 ng tanghali, ayon kay Fire Inspector Renato Esguerra.

Katuwang ng mga bombero ang mga residente sa mano-manong pag-apula ng apoy gamit ang mga timba.

Iginiit naman ni Esguerra na hindi naubusan ng tubig ang kanilang firetruck.

ADVERTISEMENT

Pansamantalang tumutuloy sa isang covered court ang mga nasunugan.

Wala namang naiulat na sugatan sa mga apektadong residente.

Electrical ang tinitingnan sanhi ng sunog.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.