Mukha umano ni Hesus nakita sa isang pader sa Ilocos Sur | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Mukha umano ni Hesus nakita sa isang pader sa Ilocos Sur

Mukha umano ni Hesus nakita sa isang pader sa Ilocos Sur

Bryan Realgo,

ABS-CBN News

Clipboard

Isang imahe umano ni Hesus ang dinaragsa ng mga deboto sa isang bahay sa Barangay Subec. Bryan Realgo, ABS-CBN News

STA. CATALINA, Ilocos Sur – Unti-unti nang dinaragsa ang isang kongkretong pader ng isang bahay sa Barangay Subec matapos ang biglang paglabas ng umano'y imahe ni Hesus.

Ayon kay Aldwin Jomar Rafanan, noong Huwebes lamang niya nakita ang umano'y mukha ng poon nang mapadaan sa bahay ng kaniyang tiya.

"Noong una kong makita, kinilabutan talaga ako," saad ni Ludivina Rafanan, may-ari ng bahay.

Isang imahe umano ni Hesus ang dinaragsa ng mga deboto sa isang bahay sa Barangay Subec. Bryan Realgo, ABS-CBN News

Ngunit ayon kay Fr. Abbot Santos Rabang, pinuno ng Catechetical Ministry ng Archdiocese ng Nueva Segovia, kailangan munang suriin at pag-aralan ang imahe bago gawing isang lugar ng debosyon ang naturang pader.

ADVERTISEMENT

"Kailangan munang maimbestigahan at makita kung tunay nga ang sinasabing imahe bago ito paniwalaan," ani Rabang.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may nakitang umano'y imahe ni Hesus dito sa bayan.

Noong 2013, nakita din umano ang imahe nito sa bahagi ng sea wall, na ngayon ay naging groto na para sa mga deboto.

Photo Courtesy: Aldwin Jomar Rafanan
Photo Courtesy: Aldwin Jomar Rafanan
Photo Courtesy: Aldwin Jomar Rafanan

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.