15 pulis, nahuling tulog sa presinto, sinibak sa puwesto | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

15 pulis, nahuling tulog sa presinto, sinibak sa puwesto

15 pulis, nahuling tulog sa presinto, sinibak sa puwesto

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 06, 2017 02:54 AM PHT

Clipboard

Courtesy: NCRPO

Tinanggal sa puwesto ang 15 pulis matapos mahuling natutulog sa presinto ng Gagalangin sa Tondo, Maynila nitong Agosto 23.

Sa mga larawang ibinigay ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa ABS-CBN, makikita ang mga tulog na pulis.

Courtesy: NCRPO

Kuha ito ng isang complainant na dumulog sa NCRPO, dahil bukod sa hindi tinugunan ang kaniyang idinulog na reklamo sa nasabing presinto, pinagalitan pa umano siya ng mga natutulog na pulis.

Ayon kay NCRPO Chief Oscar Albayalde, base sa kuwento ng biktima na tumanggi nang magpakilala, nagpunta siya sa presinto para i-report ang ninakaw na motor niya.

ADVERTISEMENT

Pero dahil hindi tinulungan ang biktima, umalis na lang siya sa halip na magpa-blotter.

Naka-assign sa night shift ng Gagalangin Police Community Precinct (PCP) ang 15 pulis na sinibak sa puwesto kabilang sina:

1. PCP Commander PSINSP Anthony Co
2. PO3 Nelson DG. Geronimo
3. PO3 Avelino T. Guibao Jr
4. PO3 Geronimo M. Ramo
5. PO2 Carlito V. Dela Cruz
6. PO1 Percival F. Doroja
7. PO1 Aladin P. Arguelles
8. PO1 Arnold S. Regala
9. PO1 Cathlyn C. Cauan
10. PO1 Joe Ronie A. Obillo
11. PO1 Romeo M. Balagtas Jr
12. PO1 Carlo L. Farmis
13. PO1 Janette G. Banatao
14. PO1 Leo Dave A. Legaspi
15. PO1 Beatriz R. Danguilan

Sasailalim sila sa retraining at naka-floating ang status nila ngayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO) habang iniimbestigahan ang kaso.

Ayon sa Manila Police District (MPD), na nakasasakop sa Gagalangin PCP, magkakaroon ng panibagong balasahan sa kanilang mga istasyon bunsod ng insidente.

Paalala pa ni Senior Superintendent Danilo Macerin ng MPD, responsibilidad ng mga pulis na rumesponde sa anumang reklamo.

Samantala, hindi pa nagbibigay ng pahayag ang mga nasibak na pulis kaugnay ng insidente, ayon sa NCRPO.

-- May ulat nina Raffy Santos at Oman Bañez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.