Mga Pinoy masayang sumabak sa Zumba Fest sa Dubai | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga Pinoy masayang sumabak sa Zumba Fest sa Dubai

Mga Pinoy masayang sumabak sa Zumba Fest sa Dubai

TFC News

Clipboard

DUBAI - Siksik, liglig ng mga Zumba fanatics ang Zumba Fest sa Dubai. Sa dami ng mga nakipag-indak sa ballroom, tuwang-tuwa ang organizers lalo na't hindi nila inaasahan na sobrang dami ng mga naki-ehersisyo.

“It’s a celebration of the Zumba, the dancers who love dancing. Na-organize namin itong event na ito just to have a simple celebration pero hindi namin ini-expect na ganun ang response ng mga estudyante ng mga Zumba instructors namin na magsama-sama kami sa event na ito,” sabi ni Zin Aubrey na isang kilalang Zumba instructress sa Dubai.

Ayon sa kanya, mga 200 lang ang kanilang inaasahang dadalo pero umabot sa halos 300 ang dumating. Ayon pa sa isang Zin o Zumba instructress na si Mariana, na isang opisyal din sa Zumba headquarters sa Amerika, patunay ito na popular ang dance exercise na ito sa United Arab Emirates.

“It was just 10 people then we grew, and now we are now 400. We are growing and growing,” sabi ni Zin Mariana Maciel ng Zumba Factory Dubai.

ADVERTISEMENT

Bukod sa pagpapalakas ng katawan at positibong epekto sa mental health, paraan din ito upang mapagbuklod ang Filipino Community.

“It’s not just about fitness, it’s also about community, friendship and to have an amazing moment together, happiness and also your body, you take care of your body at the same time.” sabi ni Zin Mariana.

Bukod sa mga kilalang personalidad sa Zumba world, nagpakwela rin ang dating miyembro ng Streetboys na si Joey Andres. Mapa-Pinoy o ibang lahi, lalaki man o babae at anuman ang edad, talagang todo bigay ang pangmalakasang Zumba Fest na ito.

“Sometimes the people say, I don’t want to go to the gym, it’s boring but in Zumba everybody enjoy, anyone can follow,” sabi ni Zin Cinthia Valencia ng Zumba Jammer.

“Unlike in the gym, I see people dancing while burning some calories, that made introduce myself to Zumba,” sabi ni Nazran Fassi, Zumba participant.

“Nadede-stress tayo through dancing, it’s not necessary na magaling ka sumayaw na Zumba, just to lift your body ang shake it. Once you sweat, you can see that you will feel better,” sabi ni Zin Aubrey.

“You need to try one class with a good Zumba instructor and you will see the difference, you will be happy, you will feel amazing,” dagdag ni Zin Cinthia.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa UAE, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.