Dalawang Philippine Tarsier, na-rescue sa Sarangani | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Dalawang Philippine Tarsier, na-rescue sa Sarangani

Dalawang Philippine Tarsier, na-rescue sa Sarangani

ABS-CBN News

Clipboard

Dalawang adult Philippine Tarsier ang nasagip sa Glan, Sarangani Province. Courtesy: Sarangani CENRO.
Dalawang adult Philippine Tarsier ang nasagip sa Glan, Sarangani Province. Courtesy: Sarangani CENRO.

Inihatid ng mga lokal na opisyal ang dalawang adult Philippine Tarsiers sa Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Glan, Sarangani Province Huwebes.

Nakatanggap ng impormasyon mula sa isang municipal councilor ang CENRO Glan ukol sa dalawang tarsier na natuklasan sa farm nito sa Sitio Kamboling, Barangay Calabanit, Glan.

Agad na nagpunta ang mga awtoridad sa lugar para suriin ang kalusugan at lagay ng tarsier.

Ayon sa municipal veterinarian, aktibo, walang sugat, at malusog ang dalawang tarsier. Sa parehong araw pinakawalan din ang dalawang Tarsier sa isang ligtas na lugar.

ADVERTISEMENT

Isinagawa ng CENRO ang Information Education, and Communication (IEC) campaign sa komunidad para turuan ang mga residente sa kahalagahan ng mga wildlife species.

Itinuturing na near threatened species ang mga Philippine Tarsier sa ilalim ng International Union of Conservation of Nature (IUCN) dahil sa bumabang populasyon ng mga ito.

Pinoprotektahan ang mga Philippine Tarsier sa ilalim ng Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act na kung saan ay ipinagbabawal ang pangangaso, pagpatay, at pag-aalaga ng mga ito.

-- Ulat ni Hernel Tocmo

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.