Pet group, humingi ng tulong para sa mga hayop na nasagip sa Taal | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pet group, humingi ng tulong para sa mga hayop na nasagip sa Taal

Pet group, humingi ng tulong para sa mga hayop na nasagip sa Taal

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 16, 2020 05:12 PM PHT

Clipboard

MAYNILA - Humihingi ng tulong ang isang grupo ng pet owners para sa kanilang nasagip na mga hayop mula sa mga lugar sa Batangas na nasalanta ng pagsabog ng bulkang Taal.

Ayon kay Carissa Panaglima, coordinator ng grupong Guardians of the Fur, umaabot na sa 150 hanggang 170 mga hayop tulad ng aso, pusa, kambing, itik, manok at iba pa ang kanilang na-rescue.

"Halos lahat pilit namin kunin kaso sa horses kami nagkaproblema kasi kulang kami sa sasakyan na kayang mag-handle ng horses. Hindi talaga namin makukuha po," sabi ni Panaglima sa panayam sa DZMM Huwebes ng umaga.

Nagsagawa ng rescue effort ang grupo sa Lemery, Taal, Bauan, Agoncillo, Talisay at iba pang mga lugar kung saan may mga alagang hayop pa ang naiwan.

ADVERTISEMENT

"Nag-assign kami ng mga tao para mag-collect ng information regarding po doon sa mga hayop, kung saan sila kinuha, ano itsura. Then may nag-send din po ng for rescue, may mga naka-assign din po kaming tao para doon para sakaling ma-track namin ano yung mga lugar na dapat puntahan na may natitirang hayop," paliwanag niya.

Ang kanilang mga nasagip na hayop ay dinala sa iba't ibang shelters sa Cavite, Batangas at Laguna.

"Separated sila kasi hindi kaya ng isang shelter lang," sabi niya.

Patuloy din ang grupo na nakikpag-coordinate sa mga nag-aalok ng libreng pansamantalang matutuluyan ng mga hayop.

Ipo-post ng grupo sa kanilang Facebook page ang mga larawan ng mga na-rescue na hayop sa paghahangad na maibalik sila sa kanilang pamilya.

"Then kung wala pong mag-claim, talagang sure na walang kukuhang owner, ia-up namin sila for adoption," sabi niya.

Sa kasalukuyan, naka-standby ang kanilang teams dahil ipinagbabawal ang makapasok sa ilang mga lugar.

Bukod sa sasakyan para sa mga mare-rescue na kabayo, nais din ng grupo na magkaroon sana ng 2-way radio ang bawat grupo para sa mas mabilis na koordinasyon.

"Walang signal, hirap mag-track kung san mag-rescue kaya nagtatagal sa lugar," sabi niya.

Kailangan din nila ng mga pagkain, mga gamot at beterinaryo na titingin sa kundisyon ng mga na-rescue na hayop.

"May tatlong cases ng distempered; isa terminally-ill na po, kailangang i-send sa veterinary clinic. Meron din kaming 2 buntis na aso at newborn puppies na kailangan ng milk; at meron din may mange o galis," sabi niya.

Bukod dito, kailangan din nila ng shots para sa mga nakakagat na mga kasamang nagre-rescue.

Apat na aniya sa kanilang mga kasamahan ang nakagat na ng mga asong sinasagip. Agad naman silang naipagamot, dagdag niya.

Nagpapaabot din sila ng tulong para makakuha ng permit at matuloy ang pagre-rescue sa mga lugar.

"Yun ang sinasabi ng authorities dapat may written permits daw from the local government," dagdag niya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.