Mga online seller ng overpriced na Tocilizumab, binalaan sa harap ng shortage | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga online seller ng overpriced na Tocilizumab, binalaan sa harap ng shortage

Mga online seller ng overpriced na Tocilizumab, binalaan sa harap ng shortage

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 03, 2021 09:22 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Namatay sa COVID-19 ang ina ni Azenith Mangulabnan noong Agosto 11.

Nahawa ang kaniyang bayaw at naisugod ito sa intensive care unit noong Agosto 24.

Naubusan pa ng anti-inflammatory medicine na Tocilizumab ang pinasukang pribadong ospital kaya kinailangang maghanap pa sa labas ang pamilya.

Dahil hindi makahanap sa ospital ng stock ng Tocilizumab, nauwi sila sa pagbili ng vial na nagkakahalagang P68,000 online - na mas mataas sa P20,000 presyo nito.

ADVERTISEMENT

Pero dahil agaw-buhay na ang bayaw ay binili na nila ito. Matapos ang ilang araw ay pinahanap sila ng ikalawang dose.

"Finally nakakuha kami... P68,000, life and death na po kasi eh. 'Yung mother namin kamamatay lang, kahit alam naming di makatarungan, wala kaming choice," ani Mangulabnan.

At nang maghanap ulit sila online ay may nakita silang aabot sa P130,000 na halaga. May nabili silang aabot sa P54,000 ang presyo.

Nanawagan si Mangulabnan na huwag samalantalahin ng mga nagbebenta ng Tocilizumab ang sitwasyon lalo't hirap ang maraming pamilyang nagkakaroon ng COVID-19.

SUPLAY

Ang Tocilizumab ang generic name ng anti-inflammatory drug na ginagamit ng mga doktor sa buong mundo para magamot ang severe at mga kritikal na COVID-19 patients.

ADVERTISEMENT

Dalawang brand - ang Actemra ng Roche at Temziva ng Biocare Life Services - ang mayroon sa bansa.

Pero aminado ang mga manufacturer na may shortage sa ngayon ng Tocilizumab.

"Increasing production of a medicine, particularly biologics like Tocilizumab, which are products made using living organisms like cells, is not a quick or easy process. This is due to global manufacturing capacity limits, raw material supply constraints, the complex, labor-intensive process of manufacturing biologics and the dynamically evolving nature of the pandemic," ayon sa Roche sa isang pahayag.

Sa ika-3 hanggang ika-4 buwan naman ng Setyembre inaasahang darating ang supply ng Temziva, ayon sa Biocare Life Sciences.

"There's a shortage worldwide, actually 500 calls a day ang natatangap namin asking for the availability of the [product]... in the next few weeks, siguro third o 4th week ng September, the stocks will arrive," ani Roland Palacio, Business Unit Head ng Biocare Life Services.

ADVERTISEMENT

Tingin naman ng DOH na magkakaroon ng kakulangan ng Tocilizumab hanggang sa katapusan ng 2021.

"Kausap na namin ang manufacturers nito, ang Roche Philippines, and they gave us that declaration na hanggang end of the year mukhang mahihirapan na makaaccess pa ng gamot na ito," ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Nagbabala naman ang mga private hospital at Food and Drug Administration sa mga nagbebenta ng Tocilizumab online. Ayon kay FDA Director-General Eric Domingo, ilegal ang pagbebenta ng Tocilizumab online at paglabag ang pagbebenta nito sa SRP na P20,000 hanggang P28,000 kada vial.

Sinisilip rin ng FDA ang pagbebenta ng Tocilizumab sa mga online platform.

"Bawal po magbenta ng anumang gamot online... Eto pong mga platforms marami nakikipagtulungan sa atin.. [Pero] kinabukasan meron na naman talagang illegal," ani Domingo.

ADVERTISEMENT

Nagbabala rin si Vergeire sa mga lalabag sa SRP.

Hinihikayat din ng FDA ang mga drug manufacturer, gaya ng Roche na damihan ang suplay ng Tocilizumab

"Iyong kumpanya na may-ari noong innovator drug, iyong sa Roche, talagang kinausap na namin na kung maaaring magdagdag ng supply dito dahil worldwide iyong shortage. Sa FDA, pinadadali po natin, lahat ng proseso nang pag-release ng mga gamot na ito pati po iyong nagiging mas lenient tayo,” ani Domingo.

— May mga ulat nina Alvin Elchico, Raphael Bosano, at Pia Gutierrez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.