Tagapagsalita ng Korte Suprema, nagbitiw | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tagapagsalita ng Korte Suprema, nagbitiw

Tagapagsalita ng Korte Suprema, nagbitiw

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 03, 2018 09:52 PM PHT

Clipboard

Isinasapubliko noong Hulyo 2017 ni Theodore Te ang desisyon ng Korte Suprema hinggil sa petisyon kontra martial law sa Mindanao. George Calvelo, ABS-CBN News

Nagbitiw sa puwesto ang tagapagsalita ng Korte Suprema na si Theodore Te ilang buwan mula nang mag-tweet siya ng "I dissent" matapos masibak si Maria Lourdes Sereno mula sa pagkapunong mahistrado.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa isang pahayag nitong Lunes, sinabi ni Te na dapat ay mabigyan ng pagkakataon si bagong Chief Justice Teresita Leonardo-de Castro na pumili ng bagong tagapagsalita ng Korte Suprema.

"Co-terminus" umano sina Te at Sereno, na nangangahulugang magkasabay silang itinalaga at sabay din dapat silang matatapos ng paninilbihan sa Korte Suprema.

Ayon kay Te, magbabalik na lang siya sa pagtuturo sa akademiya bilang propesor.

ADVERTISEMENT

Magiging epektibo ang pagbitiw ni Te simula Biyernes, Setyembre 7.

Magsisilbi namang acting chief ng Public Information Office ng Korte Suprema si Ma. Victoria Geloresty Guerra, ang kasalukuyan nitong deputy chief.

Noong Mayo 11, nag-post si Te sa Twitter ng mga katagang "I dissent" matapos maalis si Sereno bilang pinuno ng pinakamataas na hukuman ng Pilipinas sa pamamagitan ng petisyon sa quo warranto.

Pero hindi nilinaw ni Te kung tungkol sa pagkakasibak ni Sereno ang kaniyang tweet.

Isang kilalang human rights lawyer si Te bago siya magsilbing tagapagsalita ni Sereno. Kapwa sila nagturo ni Sereno sa University of the Philippines College of Law.

Bilang pinuno ng Public Information Office ng Korte Suprema, siya ang nagsasalita sa ngalan ng korte ukol sa mga desisyon at iba pang opisyal na anunsiyo. -- Ulat ni Ina Reformina, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.