P484,000 dinampot matapos mahulog sa kalsada sa Tuguegarao

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

P484,000 dinampot matapos mahulog sa kalsada sa Tuguegarao

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Makikita sa CCTV footage ang pagkuha ng tatlong lalaki ng nahulog na P484,000 sa Tuguegaro City. Kuha ng Tuguegaro City LGU.

Nananawagan ang manager ng isang car company na maibalik ang perang nahulog sa kalsada sa Tuguegarao City, Cagayan.

Ayon kay Manuel Balisi, nangyari ang insidente bandang 10:40 ng gabi noong August 31. Habang binabaybay ng kotseng lulan ang kanilang secretary ang kalsada sa Barangay Carig Norte ay nahulog nang hindi umano namamalayan ang plastic bag na naglalaman ng P484,000 at mga tseke.

“Ewan ko kung paano nahulog dun sa kotse, siguro nakalagay sa dashboard ganun o ano, tapos open air,” ani Balisi.

ADVERTISEMENT

Agad nilang inireport sa mga pulis ang pangyayari.

Sa kuha naman ng CCTV sa barangay hall ng Carig Norte, makikita ang paghinto ng isang puting truck kung saan bumaba ang tatlong lalaki para pulutin ang mga nagkalat na pera sa kalsada.

Hanggang ngayon ay wala pang nagsasauli ng mga ito, ayon kay Balisi.

Ang mga perang nawawala ay sales o mula sa napagbentahan ng kumpanya.

“Wala pa nga po. Hindi namin maano ‘yung sa CCTV kasi blurred. Kaya hindi namin alam kung paano marerekober. Problema namin paano na. Sigurado ipapabayad sa amin ‘yun,” ani Balisi.

Makatatanggap umano ng pabuya ang sinumang makapagbabalik ng pera o makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa katauhan ng mga pumulot ng pera at sasakyang gamit nila.

Maaaring makipag-ugnayan sa mga numerong 0953-2883-281 at 0917-1552-505 o kaya sa Cagayan Provincial Information Office sa capitol grounds.—Ulat ni Harris Julio

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.