Basurero na nagsauli ng nawalang pitaka, binigyan ng regular na trabaho ng LGU | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Basurero na nagsauli ng nawalang pitaka, binigyan ng regular na trabaho ng LGU

Basurero na nagsauli ng nawalang pitaka, binigyan ng regular na trabaho ng LGU

Dennis Datu,

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 02, 2022 08:25 PM PHT

Clipboard

Pinarangalan ang basurero na si Romel Solares ng Sto. Tomas City, Batangas matapos niyang isauli sa may-ari na retired teacher ang napulot niyang wallet. 
Pinarangalan ang basurero na si Romel Solares ng Sto. Tomas City, Batangas matapos niyang isauli sa may-ari na retired teacher ang napulot niyang wallet.

MAYNILA — Sa loob ng 8 taon, tumatanggap lamang ng P150 na honorarium kada araw si Romel Solares bilang volunteer garbage collector ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng lokal na pamahalaan ng Sto. Tomas, Batangas.

May anak siyang 7 taong gulang at alam niyang hindi sapat ang kinikita niya para sa kaniyang pamilya.

Pero habang nangongolekta siya ng basura kamakailan, hindi niya inaasahan na sa isang kahon ay may mapupulot siyang wallet na nang kaniyang buksan ay may lamang pera.

“Nagulat kasi pagbukas ko po ng wallet may pera po, marami pong pera, pero hindi ko naman binilang tapos may mga mahalagang gamit, ID, resibo ng bahay, senior citizen ID po at PhilHealth," ani Solares.

ADVERTISEMENT

Sa halip na matukso, agad niya itong ibinigay sa kaniyang driver at sa tulong ng kaniyang opisina, nakontak nila ang tunay na may-ari.

"Hindi ko po inisip ang ganoong bagay [na angkinin] kasi alam ko po. Inisip ko po na kailangan rin po, senior na rin may-ari, baka kailangan pambili mg gamit," ani Solares.

Naisauli na kaagad sa may-ari na si Andrea Carpio Zoleta na isang retired teacher ang wallet at pera. Hindi na nabanggit kung magkano ang halaga ng pera, pero lubos siyang nagpasalamat kay Solares.

Dahil sa kaniyang katapatan sa tungkulin, binigyan ng gantimpala ni Sto. Tomas City Mayor Arth Jhun Marasigan si Solares. Ngayon, isa na siyang regular na employee ng city hall bilang utility worker na may sahod na higit P400 at may mga kasama pang benepisyo.

"Mahalaga po kasi sa akin yung trabaho," ani Solares.

Dahdah niya, "Tuloy lang ang trabaho namin, gawin lang natin ang tama, trabaho lang gawin natin huwag tayong gagawa ng ibang ikakasama sa trabaho natin."

"Ang aking payo lamang sana hindi maging dahilan ang kahirapan para tayo ay gumawa ng hindi maganda," sabi naman ni Marasigan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.