Hagupit ng bagyong 'Henry' naramdaman sa Cagayan, Batanes | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Hagupit ng bagyong 'Henry' naramdaman sa Cagayan, Batanes

Hagupit ng bagyong 'Henry' naramdaman sa Cagayan, Batanes

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 02, 2022 06:12 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA (UPDATE) - Naramdaman ng ilang rehiyon ang hagupit ng super-typhoon Henry sa ilang parte ng Batanes at Cagayan bago ito humina ngayong umaga ng Biyernes.

Sa video na kuha ni Barangay Kagawad Jeo Robert Arirao bandang alas-6 ng umaga, makikita ang paghampas ng malakas na hangin sa mga puno ng niyog sa dalampasigan sa Calayan, Cagayan. Nagdudulot na rin ito ng malalaki at malakas na alon sa dagat.

Nakararanas din ng pag-ulan ang Sabtang, Batanes dahil sa bagyo. Sa video na kuha ni Dennis Valdez bandang alas-7 ng umaga, kasabay ng pabugso-bugsong ulan ang pagbayo ng mahinang hangin.

“Around 5 a.m. kanina, medyo may kalakasan ang buhos ng bulan at hangin dito sa may Sabtang area," ani Valdez.

ADVERTISEMENT

Naramdaman din ang masungit na panahon sa Itbayat, Batanes na pinakamalapit sa mata ng super typhoon Henry.

Sa video na kuha ni Darwin Alcazar, head ng municipal disaster risk reduction and management office ng Itbayat, bandang alas-6:50 ng umaga ngayong Biyernes ay nararanasan ang pag-ulan at pagbayo ng hangin.

Aniya, bahagya na itong humina kumpara sa naranasan nilang mas malakas na ulan at hangin bandang alas-2 ng madaling araw.

Tiniyak naman ng mga residente ang kahandaan ng kanilang mga bahay sa epekto ng bagyo.

Inaasahan naman ng Itbayat, Batanes na mas lalakas pa ang inaasahang buhos ng ulan.

"Baka patikim pa lang 'yun ng bagyong Henry, we are expecting po na may mas malakas pang ulan na darating… Pinapaalala ko sa mga residente ng Itbayat na laging mag-ingat, laging maging handa kasi hindi pa rin natin inaalis 'yung possibility na pupunta sa atin 'yung bagyo," ani Itbayat MDRRMO head Darwin Alcazar.

Tiniyak ng National Risk Reduction and Management Council spokesperson Raffy Alejandro na handa na ang national government na magpaabot ng tulong.

"As far as Henry is concerned, ang pinaka-affected lang na area ay itong Batanes at itong Sta. Ana, Cagayan. Siya lang iyong directly affected nitong bagyo. So since August 31 ay tuluy-tuloy iyong ating pagbigay ng mga abiso sa mga LGUs. And so far ay maganda naman ang mga reports na natatanggap natin – lahat po ay nakahanda, lahat po ay nag-a-anticipate dito sa epekto ng bagyo," ani Alejandro.

Maalaalang bahagyang bumagal at humina ang bagyo, na namataan 365 kilometro mula sa Itbayat, Batanes nitong hapon ng Biyernes.

-- Ulat ni Harris Julio

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.