Ilang lugar sa Ilocos Norte, binaha dulot ng walang tigil na pag-ulan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang lugar sa Ilocos Norte, binaha dulot ng walang tigil na pag-ulan

ABS-CBN News
Published Sep 01, 2019 01:05 AM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Ilang parte ng Ilocos Norte ang binaha Sabado matapos ang walang tigil na ulan sa probinsiya simula Biyernes.

Pumasok sa ilang bahay sa Barangay 14 sa bayan ng Paoay ang baha dahil sa taas nito. Nagmistulang swimming pool ang mga bahay dahil pati garahe at kwarto sa unang palapag ng mga ito ay puno ng tubig ulan.

"We never experienced flood for the past ten years,” ani Rosario Clemente, isang residente.

Dahil sa mataas na tubig sa kalsada sa bayan, tumirik ang isang grupo ng turistang motorcycle riders kaya napilitan sila itulak ang kanilang mga motor.

“Pagod na, pagod na nagtutulak. Ta's nasiraan pa ng motor,” ani Juancho Cabaong, isa sa mga rider.

Ayon sa mga opisyal ng bayan, catch basin ang Paoay kaya ito binaha. Dumagdag din sa baha ang nasirang dike sa kalapit na barangay.

Sa lungsod ng Batac, tumaas ang tubig sa ilog ng Quiaoit dahil sa pag-ulan. Bumagsak din ang isang parte ng riprap sa Barangay Guiling Sur, at pinangangambahan ang posibleng pagguho ng nasabing pundasyon.

“Medyo delikado kasi sa matinding ulan, umapaw yung Quiaoit river kaya binabantayan. Nilagyan ng sanga ng kahoy para humina ’yung dalos ng tubig,” ani Gerry Imbak, chairman ng nasabing barangay. — Ulat ni Dianne Dy, ABS-CBN News