Sapat na bilang ng mga guro pinatitiyak ng DepEd | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sapat na bilang ng mga guro pinatitiyak ng DepEd

Joyce Balancio,
ABS-CBN News
Published Aug 31, 2022 03:39 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Naglabas ang Department of Education (DepEd) ng memorandum na magsisilbing gabay sa hiring o pagkuha ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Sa ilalim ng Memorandum No. 76 na isinapubliko Martes ng gabi, pinatitiyak ng DepEd sa mga schools division office na may sapat na bilang ng mga guro sa mga paaralan.

Dapat sa araw na ito, Agosto 31, ay mapunan na ang mga kulang na posisyon ng mga guro, ayon sa DepEd.

Nagpaalala rin ang kagawaran na sa pagpili ng mga guro, dapat alinsunod ito sa mga prinsipyo ng "merit, fitness, competence, equal opportunity, transparency at accountability," ayon sa memorandum.

Bilang isang non-partisan organization, maaari umanong tumanggap ang DepEd ng endorsements mula kanino man, pero hindi ito mangangahulugang mabibigyan sila ng prayoridad dahil dapat "merit-based" ang hiring process.

Naglabas din ng hiwalay na memorandum ang DepEd ukol sa computation ng proportional vacation pay ng mga guro para sa School Year 2021-2022.

Noong nakaraang linggo nag-umpisa ang School Year 2022-2023, kung saan maraming paaralan ang nagpatupad ng face-to-face classes kahit sa Nobyembre pa ang implementation nito.

Ilan sa mga nakitang hamon sa unang linggo ng klase ang kakulangan sa mga silid-aralan, upuan at guro sa ilang paaralan.

RELATED VIDEO
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
education
basic education
Department of Education
teachers
teacher hiring
School Year 2022-2023
guro
DepEd teachers
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT