DSWD offices sa Davao tigil muna sa pagtanggap ng educ'l cash aid applications | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
DSWD offices sa Davao tigil muna sa pagtanggap ng educ'l cash aid applications

ABS-CBN News
Published Aug 31, 2022 08:03 PM PHT

Pansamantalang itinigil ng Department of Social Welfare and Development Region XI ang pagtanggap ng aplikasyon para sa educational cash aid program ng pamahalaan simula ngayong Miyerkoles.

Lahat ng provincial satellite offices ng ahensya, bukod sa regional office mismo, ay hindi muna tumanggap ng mga aplikasyon para sa educational aid sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program.

Sinuspende rin ang drop box system o ang pagpila para maihulog ng mga aplikante ang kanilang requirements, sabi ng DSWD XI.

Ang suspensyon ay dahil sa dami na ng mga dokumentong kanilang natanggap sa buong rehiyon mula sa 150,000 aplikante.
Ang suspensyon ay dahil sa dami na ng mga dokumentong kanilang natanggap sa buong rehiyon mula sa 150,000 aplikante.
ADVERTISEMENT
“Tatapusin muna ng DSWD XI ang pagproseso ng mga naunang natanggap namin na mga dokumento,” ayon sa pahayag ng DSWD XI sa kanilang Facebook page.

Panawagan ng DSWD sa mga nais makabenepisyo ng cash aid na maghintay sa mga opisyal na pahayag mula sa kanilang ahensya.

Nilinaw naman ng DSWD na patuloy pa rin ang payout sa mga pumasa sa assessment at dati nang nakapagsumite ng kanilang requirements.

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga taga-Davao region ang anunsyo ng DSWD XI.

Karamihan sa kanila ay umaasa na babalik agad ang processing lalo’t kailangan nila ang ayuda.
Karamihan sa kanila ay umaasa na babalik agad ang processing lalo’t kailangan nila ang ayuda.
ADVERTISEMENT
Iminungkahi rin ng ilan na idaan sa barangay ang pamamahagi ng educational cash aid.

Sa ilalim ng programa, makatatanggap ng P1,000 ang nasa elementary; P2,000 ang nasa high school; P3,000 ang nasa senior high school; at P4,000 ang nasa vocational at college level. Hindi lalagpas sa tatlong estudyante ang maaaring makatanggap sa bawat pamilya.

Mahigit 153,000 mahihirap na estudyante sa buong bansa ang nakatanggap na ng naturang ayuda magmula nang mamigay ang DSWD noong Agosto 20. Aabot sa P387.9 million mula sa P1.5 billion budget para sa programa ang naipamigay na.

Nakatakda sa Setyembre 24 ang huling araw ng pamimigay ng ayuda. Tinatayang aabot sa 400,000 ang makatatanggap nito.

- ulat ni Hernel Tocmo
KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT