Bangkay na nakasilid sa sako, nakita sa dagat sa Davao City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bangkay na nakasilid sa sako, nakita sa dagat sa Davao City

ABS-CBN News
Published Aug 31, 2022 07:05 PM PHT

Isang bangkay na isinilid sa sako ang nakitang palutang-lutang sa dagat sa Barangay Centro Agdao sa Davao City, Miyerkoles.

Nakita ng 2 mangingisda ang nasabing sako bandang alas-11 ng umaga at nang lapitan ay tumambad sa kanila ang tiyan ng isang tao, ayon sa pulisya.
Agad umanong tumawag ng saklolo ang mga mangingisda sa coast guard. Sinamahan sila ng isang kawani nito sa kinaroroonan ng bangkay at hinila ito malapit sa dalampasigan.

Doon nakita ang idinikit na plywood sa sako na may nakasulat na, "Holdaper ako ng panel sa Davao City."

Nasa 35 hanggang 40 anyos ang lalaking biktima, may taas na 5’4 hanggang 5’6 at nakasuot ng blue boxer shorts.
Nasa 35 hanggang 40 anyos ang lalaking biktima, may taas na 5’4 hanggang 5’6 at nakasuot ng blue boxer shorts.
ADVERTISEMENT
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang nasabing krimen.

— Ulat ni Cheche Diabordo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT