Industriya ng itlog sa Pampanga, unti-unting bumabawi | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Industriya ng itlog sa Pampanga, unti-unting bumabawi

Industriya ng itlog sa Pampanga, unti-unting bumabawi

ABS-CBN News

Clipboard

Unti-unti nang nakakabawi ang industriya ng itlog sa Minalin, Pampanga, matapos ang ilang linggong pagkalugi dahil sa bird flu virus.

Matapos sumama sa boodle fight si Pangulong Rodrigo Duterte, unti-unting umuusad ang negosyo ng pag-iitlog sa Minalin, Pampanga.

Kumpleto na rin ulit ang mga trabahador sa ilang poultry farm.

Kuwento ni Mark Leyson, may-ari ng paitlugan, bumabalik na ang kanilang mga customer.

ADVERTISEMENT

Ikinatuwa naman ng poultry association sa Minalin ang unti-unting pagbangon ng kanilang industriya.

"Tuloy-tuloy pa rin ang itlog, gumagalaw pa rin, sana mag-tuloy tuloy na," ani Rey Lugtu ng Minalin United Poultry Raisers Association.

Inihahanda na rin ng lokal na pamahalaan ang programa para sa rehabilitasyon ng mga apektadong poultry farmers at owners.

Samantala, nagsalo-salo sa pagkain ng poultry products ang mga empleyado ng kapitolyo sa Pangasinan para patunayang ligtas kainin ang mga ito.

Gayunpaman, patuloy ang quarantine checkpoint.

Pinaigting na rin ang biosecurity measures bago makapasok ng mga poultry farm sa San Jose, Batangas. Naglagay ng checkpoint at may mga disinfectant din papasok ng bayan.

Nagnegatibo naman sa bird flu virus ang mga namatay na manok sa Dumaguete City pero magsasagawa pa ng panibagong pagsusuri ang mga beterinaryo para alamin kung Newcastle disease ang nakapatay sa mga manok.

-- Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.