Bundok, ilog tinatawid ng mga guro sa Sarangani para makapagturo sa mga katutubo | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bundok, ilog tinatawid ng mga guro sa Sarangani para makapagturo sa mga katutubo

ABS-CBN News
Published Aug 30, 2022 06:23 PM PHT

Sa pagbabalik ng face-to-face classes sa maraming paaralan sa bansa ngayong Agosto, balik rin ang kalbaryo ng ilang guro sa mga probinsiya.

Sa Sarangani Province, hirap at pagod ang dinaranas ng mga guro para marating ang Sitio Lanao IP School sa Barangay Sapu Masla sa bayan ng Malapatan, at magampanan ang kanilang tungkulin.

Kuwento ng teacher na si Marvin Tunan, apat na oras ang kanilang nilalakad, na may kasamang pag-akyat ng bundok at pagtawid ng ilog nang higit 20 beses, bago makarating sa nasabing paaralan.

"Naranasan ko ang hirap noon. Kaya kahit mahirap at malayo ang school, patuloy kaming nagtuturo doon," kuwento ni Tunan sa ABS-CBN News.

ADVERTISEMENT
"At kahit tatawid ng ilog, minsan lalangoy sa baha, kakayanin upang makatulong sa mga bata."

Ang hirap sa biyahe ay linggo-linggo umanong dinaranas ng mga guro sa lugar.

At ang pagtuturo sa mga katutubo ay isinasabay pa nila sa kanilang pag-aaral sa graduate school.

Napapawi ang pagod nila kapag nakikita ang mga estudyante nila at napapagtantong naglalakad din nang malayo ang mga bata.

"Iyon ang motivation namin para magawa ang aming tungkulin bilang guro," ani Tunan.

"We just keep in mind that learners need our services, love, and care. Someday, they will achieve their dream. Because their achievements are our achievements, too," dagdag niya.

Panawagan nila ang maayos na daanan o tulay para sa mas ligtas na biyahe patungo sa paaralan.

— ulat ni Hernel Tocmo
KAUGNAY NA ULAT
Read More:
Tagalog news
regions
regional news
Sarangani
face-to-face classes
in-person classes
teacher
guro
Sitio Lanao IP School
Malapatan Sarangani
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT