Balik-'Pilipinas': Paggamit ng 'Filipinas' pinatitigil ng KWF, DepEd | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Balik-'Pilipinas': Paggamit ng 'Filipinas' pinatitigil ng KWF, DepEd

Balik-'Pilipinas': Paggamit ng 'Filipinas' pinatitigil ng KWF, DepEd

ABS-CBN News

Clipboard

Pinangunahan ng Philippine Navy ang isang flag raising ceremony sa Luneta Park kasabay ng pagdiriwang na ika-124 National Flag Day, Mayo 28, 2022. ABS-CBN News 
Pinangunahan ng Philippine Navy ang isang flag raising ceremony sa Luneta Park kasabay ng pagdiriwang na ika-124 National Flag Day, Mayo 28, 2022. ABS-CBN News

MAYNILA — Pinatitigil ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Department of Education (DepEd) ang paggamit ng "Filipinas" bilang pantukoy sa bansa.

Sa isang memorandum na inilabas noong Agosto 26, inutusan ng DepEd ang lahat ng mga pampubliko at pribadong paaralan na itigil ang paggamit ng "Filipinas," alinsunod sa pasya ng KWF noong nakaraang taon.

Dahil dito, pinababalik na rin ang paggamit ng "Pilipinas."

"Ang opisyal na pangalan ng bansa ay Pilipinas at hindi Filipinas na pinatutunayan ng pinakamataas na batas ng bansa, ang 1987 Konstitusyon," sabi ng DepEd.

ADVERTISEMENT

Ayon sa DepEd, hindi na kailangang baguhin ang nilalaman ng mga learning material tulad ng mga aklat at self-learning module.

"Iwasto na lamang ng mga guro at kawani habang ginagamit sa proseso ng pagtuturo," anang ahensiya.

Taong 2013 nang itulak ni National Artist for Literature Virgilio Almario, na noo'y KWF chairman, ang paggamit na "Filipinas" bilang pangalan ng bansa.

FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.