Philippine Airlines flights bawal muna sa Hong Kong; mga OFW apektado | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Philippine Airlines flights bawal muna sa Hong Kong; mga OFW apektado

ABS-CBN News
Published Aug 30, 2021 06:44 PM PHT
|
Updated Aug 31, 2021 10:58 AM PHT

MAYNILA -- Mga overseas Filipino worker (OFW) ang apektado sa 2 linggong pagbabawal ng Hong Kong sa paglipad sa kanila ng Philippine Airlines (PAL), sabi ngayong Lunes ng grupo ng mga manggagawang Pinoy sa nasabing teritoryo.

Noong Linggo, 1 araw bago magbukas ang Hong Kong sa mga nabakunahang OFW, ipinagbawal ng pamahalaan doon ang pagtanggap sa mga pasahero ng PAL nang 2 linggo o hanggang Setyembre 11.

Ito'y matapos makitang 3 sa 7 imported COVID-19 cases sa Hong Kong noong Linggo ang galing Pilipinas sakay ng eroplano ng PAL.

Ayon sa grupong BAYAN sa Hong Kong at Macau, apektado nito ang pagpapadala ng mga OFW sa Hong Kong, lalo na't pahirapan ang pag-schedule ng mga flight.

Trabaho anila ang nakasalalay sa bawat araw na hindi nakakalipad ang mga OFW pa-Hong Kong.

"'Yong mawalan ka ng isang airlines that are allowed to bring in passengers, malaki impact," sabi ni BAYAN Hong Kong and Macau Chairperson Eman Villanueva.

"May ka-exchange ako ng message na kababayan natin, parang third time na niya na na-cancel ang flight via PAL so stranded talaga siya diyan," kuwento ni Villanueva.

"I hope magawan ng paraan and hopefully 'yong government can make representation dito sa Hong Kong."

Ayon naman sa pahayag ng PAL, negatibo ang ipinresentang COVID-19 test result sa kanila ng 3 pasahero, na 2 Pinoy at 1 Chinese.

Sinisiguro rin nilang ipinapatupad nila ang mahigpit na health and safety protocol sa flight.

Para sa mga apektadong pasahero ng PAL sa susunod na 2 linggo, maaari silang magpa-rebook, refund o i-convert ang kanilang tickets bilang travel voucher nang walang multa.

Tuloy naman ang cargo flights ng PAL.
Tuloy naman ang cargo flights ng PAL.
— Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Hong Kong
travel
travel restriction
Philippine Airlines
OFW
BAYAN Hong Kong and Macau
Covid-19
PAL
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT