Ilang bahagi ng Biñan, Laguna tinamaan ng flash floods | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang bahagi ng Biñan, Laguna tinamaan ng flash floods

Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Aug 30, 2021 06:55 AM PHT
|
Updated Aug 30, 2021 07:32 AM PHT

Nabigla ang maraming residente sa Biñan City, Laguna sa pagbaha sa ilang mga kalsada at maging sa mga residential area nitong gabi ng Linggo.

Bumuhos ang malakas na ulan sa malaking bahagi ng lungsod pasado alas-8 ng gabi at tumagal nang mahigit isang oras.

Umakyat sa level 4 o critical level ang Biñan River.

Kasabay nito ang pagbaha sa halos lahat ng subdivision sa Bgy. Sto. Tomas na may pinakamalaking populasyon sa Biñan.
Kasabay nito ang pagbaha sa halos lahat ng subdivision sa Bgy. Sto. Tomas na may pinakamalaking populasyon sa Biñan.
ADVERTISEMENT
Sa ilang bahagi, umabot ng baywang ang baha.

Ayon sa city disaster risk reduction and management office, nagtaasan din ang tubig sa mga barangay na malapit sa Laguna De Bay at dinadaanan ng ilog gaya ng Malaban, Dela Paz, San Jose at Santo Domingo.

Sabi ng CDRRMO, umagos kasi pababa ng Biñan ang tubig mula sa Silang, Cavite na tinamaan din matinding ulan.

Flash floods hit portions of Biñan City, Laguna following an hour-long thunderstorm on Sunday night pic.twitter.com/6VL2b6lcVL
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) August 29, 2021

Pagkatila ng ulan pasado alas-10 ng gabi, humupa na rin ang tubig sa malaking bahagi ng Bgy. Sto. Tomas.

Pero matagal bago nawala ang tubig sa isang intersection sa Santo Tomas road na katabi ng barangay extension office, kaya inalalayan ng ilang lalaki ang mga dumadaang motorista.

Ayon kay barangay chair Vanessa Zaballa, hindi karaniwan na binabaha sa kanila nang ganito.

Sabi ng residenteng si Renato Enep ng South City Homes, huli silang nakaranas ng matinding pagbaha tulad nito noong Bagyong Milenyo ng 2006.

Ngayon inilikas din nila ang mga alaga nilang aso’t pusa.

Pinaplano na nilang magdagdag ng ikalawang palapag sa kanilang bahay.

"Noong una, akala namin, ulan lang na ganoon-ganoon lang, basta-basta. Kasi kadalasan dito, kahit malakas ang ulan niya, bumababa. Nagtaka na lang kami nang pumasok ang tubig dito sa loob ng bahay. Nataranta na kaming lahat. Ang bilis! Biglang taas lahat. Nabasa na lahat ng gamit. Pero naitaas namin ang TV saka ref," ani Enep.

"Ang ating drainage system, nagana naman iyan, kasi based on our observation, investigation, malakas ‘yong current ng tubig sa ilalim ng kanal...‘yong basura bumababa so naaagapan naman ng ating mga volunteers, natatanggal. Kaya lang sobrang lakas ng tubig, talagang nabigla ang buong barangay Sto. Tomas," ani Zaballa.

Kinailangan ding maglikas ang city rescue at barangay ng ilang matatandang maysakit.

Pero wala nang dinalang residente sa mga evacuation center sa buong lungsod.

Nagkalat din ang maraming basura nang humupa ang tubig.

Kaya paalala rin ng barangay sa mga residente, magtapon nang maayos para hindi makadagdag sa problema ng baha.