BRP Gregorio del Pilar, sumadsad sa Hasa-Hasa Shoal | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

BRP Gregorio del Pilar, sumadsad sa Hasa-Hasa Shoal

BRP Gregorio del Pilar, sumadsad sa Hasa-Hasa Shoal

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 30, 2018 11:00 PM PHT

Clipboard

BRP Gregorio del Pilar. Angelo Caballero, ABS-CBN News/file

MAYNILA (UPDATED) - Sumadsad ang BRP Gregorio del Pilar, ang flagship ng Philippine Navy, sa Hasa-Hasa Shoal sa Spratly Islands, West Philippine Sea nitong Miyerkoles.

Ayon sa Western Command, nagsasagawa ng patrol ang barko na patungo sa Ulugan Bay, Palawan nang mangyari ang insidente.

Walang nasaktan sa insidente, ayon kay Lt. Col. Noel Detoyato, chief ng Armed Forces of the Philippines Public Affairs.

Dagdag niya, lahat ng barko sa area ng Western Command ay ipinadala upang imbestigahan ang insidente at ibalik ang BRP Gregorio del Pilar sa daungan.

ADVERTISEMENT

Ang barko ay mula sa Estados Unidos na nakuha ng Pilipinas noong 2011 sa ilalim ng Foreign Assistance Act at Excess Defense Articles.

Bago ito mapasailalim sa Philippine Navy, nagsilbi itong cutter ng United States Coast Guard.

I-refresh ang pahinang ito para sa updates.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.