Magkapatid arestado sa pagnanakaw ng bisikleta sa QC, kuha ng CCTV | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Magkapatid arestado sa pagnanakaw ng bisikleta sa QC, kuha ng CCTV

Magkapatid arestado sa pagnanakaw ng bisikleta sa QC, kuha ng CCTV

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 29, 2022 07:35 AM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MANILA -- Sa tulong ng CCTV ng barangay, agad na naaresto ang magkapatid na 44 at 29 anyos na suspek sa pagnanakaw ng bisikleta na pag-aari ng isang 17 anyos sa Quezon City.

Matapos na magsumbong ang biktima sa awtoridad, agad nagsagawa ng backtracking ang Barangay Public Safety Officer (BPSO) ng Barangay Mariana.

Sa CCTV, nakita nila ang suspek na pumasok sa compound pasado alas sais ng umaga nitong Linggo kung saan caretaker ang biktima.

Makalipas ang anim na minuto, lumabas ito na sakay sakay na ng ninakaw na bisikleta.

ADVERTISEMENT

Sa isa pang kuha ng CCTV, makikita na kasama na ng suspek ang kapatid na tila naglilibot sa barangay.

Nakita pa ang suspek na huminto sa isang bahay sa lugar.

Ayon sa barangay, nasundan nila ang mga pinuntahan ng suspek hanggang sa mamataan nila ang mga ito na natutulog malapit sa isang simbahan sa lugar.

Agad nilang inaresto ang dalawa na aminado umano sa pagnanakaw.

Dagdag pa ng isang opisyal ng barangay, dati nang inireklamo sa kanila ang magkapatid.

“Etong mga tao na ‘to, matagal na rin kasi namin itong sinusubaybayan eh, binabantayan na namin ‘to kasi marami na hong nagrereklamo na mga residente dito na nawawalan sila," ayon sa BPSO na si Anthony Yuson.

"Tsaka nagaantay lang din naman kasi kami ng tyempo na may desidido talaga na mag reklamo eh, perwisyo na talaga yan dito sa amin," dagdag pa niya.

Naiturnover na sa Galas Police Station ng Quezon City Police District ang dalawa habang inihahanda ang kaso laban sa kanila

Pero sa kabila nito, hindi na narekober ang ninakaw na bisikleta ng biktima, na ayon sa barangay ay mabilis na naibenta ng suspek sa halagang P200.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.