Robredo nanghihinayang na 'di nakapag-face-to-face classes bago kumalat ang Delta variant | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Robredo nanghihinayang na 'di nakapag-face-to-face classes bago kumalat ang Delta variant

Robredo nanghihinayang na 'di nakapag-face-to-face classes bago kumalat ang Delta variant

ABS-CBN News

Clipboard

Tinutulungan ni Vice President Leni Robredo ang isang bata sa Community Learning Hub ng kaniyang tanggapan sa Taytay, Rizal noong Oktubre 2020.
Tinutulungan ni Vice President Leni Robredo ang isang bata sa Community Learning Hub ng kaniyang tanggapan sa Taytay, Rizal noong Oktubre 2020. OVP Handout

Nanghihinayang umano si Vice President Leni Robredo na hindi man lang nakapag-face-to-face classes ang mga estudyante bago kumalat sa bansa ang mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19.

Dati nang itinutulak ni Robredo ang pagkakaroon ng face-to-face classes sa mga lugar na may low risk sa COVID-19 dahil maraming mga estudyante ang hirap sa distance learning.

"Sa akin, 'yong nakalipas na isa't kalahating taon, 'missed opportunity' iyon. Noong wala pang Delta variant, sobrang daming [local government unit] all over the Philippines 'yong wala namang cases," sabi ni Robredo sa kaniyang radio show ngayong Linggo.

Noong nakaraang taon, nagtayo rin ang Office of the Vice President ng mga community learning hub sa 58 lugar, kung saan maaaring matulungan ang mga estudyanteng walang gadgets at hirap sa pag-aaral gamit ang printed modules.

ADVERTISEMENT

Magsasagawa sana ang Department of Education ng dry run ng limitadong face-to-face class sa ilang low-risk area nitong taon pero kinansela ito ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mga mas nakahahawang variant ng COVID-19.

Iginiit din ni Duterte na hindi siya papayag sa face-to-face classes hangga't hindi nakakamit ng bansa ang herd immunity.

Nitong nagdaang linggo, sinabi ng ilang senador na dismayado sila sa tila mahinang paglalako ng DepEd sa plano nitong ibalik ang face-to-face classes.

Ayon kay Robredo, dapat maging mas "proactive" ang DepEd sa pagtutulak ng pagbabalik ng face-to-face classes.

"Dapat ipakita nila (DepEd) na not 'one size fits all.' Parang resigned na tayo. 'Di natin naiisip ang mga bata," sabi ni Robredo.

Nakatakdang magsimula ang susunod na school year sa mga pampublikong paaralan sa Setyembre 13 pero distance learning pa rin ang iiral na paraan ng pagkatuto.

— Ulat ni Jasmin Romero, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.