Bar sa Makati, huling may mga guest sa gitna ng MECQ

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bar sa Makati, huling may mga guest sa gitna ng MECQ

Jekki Pascual,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 29, 2021 09:23 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA - Sinalakay ng Makati Police ang isang bar na bukas nitong Sabado ng gabi sa gitna ng umiiral na modified enhanced community quarantine sa boung Kamaynilaan.

Nakatanggap ng tip ang pulis na may nag-ooperate na bar sa kanto ng Burgos Avenue at Durban Street sa Barangay Poblacion.

Nang puntahan ang lugar, madilim at tahimik ang kalsada dahil sarado lahat ng mga bar at restaurant. Pero nang pasukin ang target na bar, nakita ng mga pulis kabilang ang SWAT team na bukas ito at maraming mga tao sa loob.

Nasa 52 na mga bisita ang natiketan dahil sa paglabag sa iba-ibang patakaran, gaya ng physical distancing at iba pang health protocol.

ADVERTISEMENT

May paglabag din ang bar dahil bawal ang dine-in ngayong naka-MECQ pa ang Metro Manila, at may mga patakaran pa sa curfew at pag-inom ng alak.

Hindi na nagbigay ng pahayag ang pamunuan ng bar. Pero posibleng maharap sila sa iba't ibang mga kaso.

Ang Makati ay may 2,253 active cases ng COVID-19 ngayon. Muling nagpapaala sa publiko ang lokal na pamahalaan na huwag lumabas ng bahay kung hindi naman kailangan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.