Ina 'sinaktan' ang sanggol para balikan ng kinakasama | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ina 'sinaktan' ang sanggol para balikan ng kinakasama

Ina 'sinaktan' ang sanggol para balikan ng kinakasama

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 29, 2019 08:02 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sinagip ng mga pulis at social workers ang isang 2 taong gulang na batang babae na minamaltrato umano ng sariling ina para balikan sila ng umabandonang kinakasama sa Lucena City, Quezon.

Sa nakuhang video ng pulisya, kita ang pang-aabuso ng inang si alyas "Julie" sa sanggol niyang si alyas "Heidi."

Ipinapadala raw ni Julie ang mga video sa dati niyang kinakasama.

Sa isang video, kita ang pag-iyak ni Heidi habang paulit-ulit na sinasampal ni Julie. Piniga pa ng ina ang mukha ng kaniyang anak.

ADVERTISEMENT

Sa isang larawan naman, kita na tinakpan ng unan ang mukha ng bata.

Ang isang retrato pa, tila ginigilitan ng kutsilyo ang bata sa likod at may hinihinalang dugo pa.

Napanood ng lola ng bata ang video kaya humingi siya ng tulong sa mga pulis.

Agad na nagsagawa ng rescue operation ang Lucena City police at City Social Services and Development Office (CSSDO).

Inamin ni Julie na siya ang kumuha ng video na ipinadala sa dating kinakasama pero kunwari lamang umanong sinasaktan niya ang anak.

Hindi rin daw dugo kundi lip tint lang ang nasa likod ng bata.

Nais lamang daw niyang bumalik ang kaniyang kinakasama na umabandona sa kanila habang may sakit ang kaniyang anak.

"Kasi po gusto ko sanang umuwi siya, tulungan man lang niya ako, makonsensiya siya," depensa ni Julie.

Dagdag pa ni Julie, mahal na mahal niya ang anak at hindi niya kayang manakit.

Sinuri ng social worker ang bata pero walang sugat na nakita.

Pero ayon sa CSSDO, mali pa rin ang ginawa ng ina kaya kinuha muna nila si Heidi at ang isa pang 3 taong gulang na anak ni Julie.

"Siya muna ay maghanap ng trabaho habang ang mga bata ay sa amin muna pong pangangalaga," sabi ni Eunice Rodolfa ng CSSDO.

Dadaan naman sa counselling si Julie habang pinag-aaralan din kung siya ay kakasuhan.—Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.