'Away-bata': Binatilyo patay sa hampas ng kahoy ng umano'y nakaalitan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Away-bata': Binatilyo patay sa hampas ng kahoy ng umano'y nakaalitan

'Away-bata': Binatilyo patay sa hampas ng kahoy ng umano'y nakaalitan

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 30, 2018 12:13 PM PHT

Clipboard

Napatay ang isang 14 anyos na lalaki sa Barangay 144, Caloocan City matapos paghahampasin ng kahoy ng isa pang binatilyong nakaalitan umano niya.

Naglalakad noong Biyernes ang biktima papunta sa tindahan sa kanilang lugar para bumili nang sundan siya ng 15 anyos na suspek na kabuntot ang ilang tambay, base sa kuha ng CCTV ng barangay.

Nakuhanan din ng CCTV ang sunod-sunod na pagpalo ng suspek sa ulo at katawan ng bumagsak na biktima gamit ang kahoy habang pinanonood lang ng mga tambay.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Agad tumakas ang suspek at umalis ang mga nanood na tambay habang ilang babae lang ang tumulong sa biktima.

ADVERTISEMENT

Ayon sa kagawad na si Christopher Viado, nag-ugat ang krimen sa alitan ng mga binatilyo.

"Noong una ho away-bata po 'yan eh. Noong napansin na lang po namin na nagkagulo, 'di namin alam na ganoon ang mangyayari," ani Viado.

Dagdag pa ni Viado, dati nang may rekord sa barangay ang suspek dahil sa pagnanakaw ng fire extinguisher.

Hindi rin umano katanggap-tanggap ang inasal ng mga tambay.

"Parang inuudyukan pa ng mga tambay doon. 'Di man lang nila inawat," ani Viado.

Katarungan naman ang hiling ng pamilya ng biktima.

Inaalam na rin ng pulisya ang umano'y pagkakasangkot sa krimen ng mga tambay, na balak ding kasuhan ng pamilya ng biktima.-- Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.