6 na bangkay ng umano’y NPA, nakuha sa Samar | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

6 na bangkay ng umano’y NPA, nakuha sa Samar

6 na bangkay ng umano’y NPA, nakuha sa Samar

ABS-CBN News

Clipboard

TARANGNAN, Samar - Hindi bababa sa anim na bangkay na ng mga pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army ang natagpuan ng mga awtoridad matapos ang pagsabog ng isang bangkang de motor sa Catbalogan City, Samar noong Lunes.

Ayon kay Maj. Gen. Edgardo De Leon, patuloy na nagsasagawa ng search and retrieval operations ang aerial reconnaissance unit ng Philippine Army sa karagatan na sakop ng ilang bayan sa lalawigan ng Samar.

Sa ika-apat na araw ng search and retrieval operations, apat na mga bangkay ang nakuha sa karagatang sakop ng mga bayan ng Tarangnan at Sto. Niño.

Ayon sa 8th Infantry Division ng Philippine Army, tatlo sa mga bangkay ay lalake, dalawa ang babae, habang hindi pa matukoy ang kasarian ng isa.

ADVERTISEMENT

Agad ipinalibing ang mga bangkay.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung kasama ng armadong grupo ang pinaghahanap ng batas na mag-asawa at high-ranking officials ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front na sina Benito at Wilma Tiamzon.

Ayon sa spokesperson ng 8th ID na si Capt. Ryan Layug, karamihan sa mga nakuhang bangkay ay putol na ang mga pang-itaas na bahagi ng katawan.

Ayon sa opisyal, posibleng dahil ito sa disenyo ng mga lagayan ng mga bagahe ng karamihan sa mga bangka sa Samar. Pinaniniwalaang may kargang mga pampasabog ang mga rebelde nang makaengkwentro ng mga sundalo noong Lunes.

"Kapag nasa bangka po tayo, usually, ka-level ng pasahero ang pinapatungan ng mga gamit. Malaking posibilidad na nung mag-detonate yung explosive components na dala nung mga suspected NPA terrorist ay upperbody nila ang napuruhan dahil karaniwang pataas ang trajectory ng blast," sabi ni Layug.

ADVERTISEMENT

"Tuloy pa rin ang pagtugis natin sa mga teroristang NPA dito sa Eastern Visayas para tuluyan ng matapos ang insurgency,” dagdag pa niya.

“Ito ang hiling ng mga residente dito sa Samar para matigil na ang pangongolekta ng NPA ng ‘butaw’ sa mga magsasaka."

Ayon kay De Leon, nananatiling bukas ang pinto ng pamahalaan sa mga NPA na gusto ng magbalik-loob at magbagong buhay.

- Ulat ni Sharon Evite

KAUGNAY NA BALITA

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.