3 pangunahing kalsada sa Cordillera sarado: DPWH | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 pangunahing kalsada sa Cordillera sarado: DPWH

3 pangunahing kalsada sa Cordillera sarado: DPWH

ABS-CBN News

Clipboard

Rockslide sa Besao, Mountain Province, Agosto 28, 2022. Retrato mula sa MDRRMO Besao
Rockslide sa Besao, Mountain Province, Agosto 28, 2022. Retrato mula sa MDRRMO Besao

Tatlong pangunahing kalsada sa Cordillera Administraitve Region ang nananatiling sarado sa mga motorista, sabi ngayong Linggo ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kasama umano rito ang Mountain Province-Calanan-Pinukpuk-Abbut Road, kung saan nagkaroon ng pagguho ng lupa sa bahagi ng Lubuagan, Kalinga.

Ayon sa municipal disaster office ng Lubuagan, hindi nila isinasantabi na sanhi ng landslide ang magnitude 5.2 earthquake sa Abra.

Itinalagang alternatibong ruta ang Lubuagan-Batong Buhay National Road.

ADVERTISEMENT

Sarado rin ang Mountain Province-Cagayan via Tabuk-Enrile Road, kung saan nagkaroon ng landslide noong Biyernes sa bayan ng Sadanga, Mountain Province.

Puspusan umano ang clearing operation na posibleng magtagal hanggang susunod na linggo.

May dalawang itinalagang alternatibong ruta, kabilang ang Junction Talubin-Barlig-Natonin-Paracelis-Calaccad Road na lulusot ng Mountain Province-Nueva Vizcaya Road at Tabuk-Nueva Vizcaya-Ifugao-Mountain Province Road.

Maglalabas din umano ang DPWH Cordillera ng abiso kung kailan bubuksan ang Kennon Road, na pansamantala ring isinara para sa kaligtasan ng mga motorista.

May na-monitor kasing peligro ng landslide at rockslide ang mga awtoridad dahil sa pag-ulan.

Pinapayagan namang dumaan ang mga paakyat ng Baguio City sa mga alternatibong ruta tulad ng Marcos Highway, Naguilian Road at Asin-Nangalisan-San Pascual Road.

Samantala, nakapagtala rin nitong umaga ng Linggo ng rockslide sa Besao-Nacawang Road sa bayan ng Besao, Mountain Province.

Gumuho umano ang mga tipak ng bato mula sa bundok at humambalang sa Besao-Nacawang Road, partikular sa Cacoob section.

Ayon sa provincial disaster office, posibleng lindol din ang dahilan ng rockslide sa Besao.

Nakipag-ugnayan na umano ang lokal na pamahalaan sa isang construction company para sa clearing operation.

— Ulat ni Harris Julio

MULA SA ARCHIVE

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.