Bagyong 'Dindo' nakalabas na ng PAR; habagat magpapaulan sa bansa | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bagyong 'Dindo' nakalabas na ng PAR; habagat magpapaulan sa bansa

Bagyong 'Dindo' nakalabas na ng PAR; habagat magpapaulan sa bansa

ABS-CBN News

Clipboard

Borussia Dortmund's Pierre-Emerick Aubameyang score the second goal against FSV Mainz 05. Photo by Thilo Schmuelgen, Reuters

Patuloy na uulanin ang ilang bahagi ng bansa ngayong Linggo kahit nakalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang Bagyong "Dindo", ayon sa state weather bureau PAGASA.

Sa panayam ng DZMM, sinabi ni PAGASA meteorologist Gener Quitlong na nahahatak pa rin ng bagyo ang habagat.

Dahil dito, makakaranas ng mga pag-ulan ang Ilocos at Cordillera regions, at mga lalawigan ng Zambales at Bataan.

"Iyun mga ibang lugar po rito, ilang araw nang inuulan. Ibig sabihin po, saturated na iyung lupa, hindi na makapag-absorb ng ulang kaya prone na po ito sa flashflood at landslide," babala ni Quitlong.

ADVERTISEMENT

Inaasahan naman anya ang pulo-pulong mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Metro Manila pati sa kanlurang bahagi ng Kabisayaan at nalalabing bahagi ng Luzon.

Maaari magsimulang bumuti ang lagay ng panahon sa Kamaynilaan simula Martes, banggit ni Quitlong.

DZMM TeleRadyo, 28 Agosto 2016

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.